IG

Friday, May 9, 2014

29. Pagiging Bakla (short story)

This is a story I wrote in high school. It was just a work of fiction so I hope you enjoy it. (I revised the ending because it made some of my classmates / readers confused on what happened. )

Dear ate Charo,

    Gusto ko po sanang ibahagi ang buhay ko sa inyo. Ako ay isang lalaking umiibig sa kapwa kong lalaki. Ito ay hindi kanais-nais sa mga mata ng publiko ngunit ako ay umaasa na ang mga makakabasa nito ay makakaintindi sa pighati na aking nadarama. Nang makilala ko siya, nagbago ang mundo ko. Ang akala ko ay hindi ito magtatagal ngunit ako'y nagkamali. Sa kanya na umiikot ang mundo sapagkat huling huli niya ang kiliti ng isang binabae. Itago na lang natin siya sa pangalang Paulo Villarama. High school kami noon at ayon sa aking pagkakaalala, hindi kami nagsimula bilang magkaibigan. Hindi ko siya gusto at isinumpa ko noon sa bathala na hinding hindi ako magkakagusto sa isang tulad niya. Marahil ito'y bunga na rin ng kanyang kapangyarihang makapagpatulog kapag siya ay nagsasalita. Ang kanyang kapangyarihan ay napakalakas na hindi ko na lang namalayang nakatulog na pala ako sa balikat niya. Ito na rin siguro ang dahilan ng pag-usbong ng aking nadarama para sa kanya. Dahil sa bawat pagtulog ko sa kanyang balikat, ay ang pagbilis ng tibok ng aking puso hanggang sa pagtulog. At bukod sa lahat, purong kabutihan ang kanyang looban at walang halong kasamaan.

     Isang araw, may dumating na bagong lipat sa eskwelahan namin at ang lahat ay nasasabik kung sino iyon. Lahat ng aking kaklase ay natuwa ng pumasok ang bagong lipat sa aming silid-aralan. Ang binata ay nagngangalang Bernard Tanyag. Hindi ko sya gaanong makita sapagkat ako ay nasa dulo pero ng naanigan ko ng kaunti ang kanyang mukha, nahulog na kaagad ang puso ko. Umiwas agad ako ng tingin dahil unang una, ayokong mahuli ng mga kaklase kong nagkakagusto ako sa kanya at pangalawa, paano na si Paulo? Umupo siya sa aking tabi at ng matitigan ko ang kanyang nunal malapit sa kanyang bibig, nanigas ang aking katawan at pinigilan ko ang satili kong huwag siyang halikan. Hindi ko na napasin kung napansin niya ang titig kong malagkit habang kami ay nag-uusap ngunit ang alam ko lang, pag-ibig na ang aking nadarama at hindi na simpleng paghanga tulad ng aking nadarama kay Paulo. Naipaliwanag ko agad sa aking mga kaibigan ito at ng itinanong nila kung paano ko minahal si Bernard, ang aking sinagot ay, "Mahal ko siya dahil hindi ko maipaliwanag na mahal ko siya. Ito ay ang batayan ng totong pagmamahal. Nagtaka ang aking mga kaibigan pero ng lumaon ay naintindihan na rin nila at hindi na nagtaka pa. Sa araw-araw na nakikita ko siya, dinadalahan ko siya ng pagkain o kaya nama'y damit na mamahalin. Nalaman ko rin ang kwento ng kanyang pamilya at walang araw na lumipas na hindi ko pinangarap na mapasama ang isang tulad ko sa kanilang angkan. Walang araw din na lumipas na hindi ko siya kinakausap at pinapatawa sa mga biro ko sa kanyang, "Mahal kita." Madalas siyang tumawa ng malakas ngunit sa loob loob ko ay umaasa akong, "Mahal din kita" ang kanyang isasagot. Sa kada titig ko sa nunal niya, nabibihag ako at mas lalo ko siya minamahal.

    Makalipas ang ilang buwan, lumapit sa akin si Paulo at tinanong kung may nararamdaman ba ako sa diumano'y matalik niyang kaibigan. Nagtaka ako at tinanong kung sino ang kanyang matalik na kaibigan at naging sinlaki ng bola ng ping pong ang aking mga mata ng malaman kong ito ay si Bernard. Ni minsan ay hindi ko sila nakitang nag-usap. Paano ito nangyari? Ito ang tanong ko sa aking sarili.Ikinuwento naman ni Paulo na simula noong sila ay walong taong gulang pa lamang, ipinakilala ng kanyang ina sa kanya si Bernard at unang tingin pa lamang daw, alam na niya na mahal nya si Bernard. Napalaki ang butas ng ilong ko na halos kasya ang tatlong jolen sa sobrang gulat. Sa tinagal ng aming pananatili sa aming paaralan, hindi ko naisip na magkakagusto siya kay Bernard. At dahil nga ako ay nananabik kung paano niya nagustuhan si Bernard, itinanong ko ng deretsahan kung ano ang nakita niya rito. At ang kanyang sinagot ay, "Hindi ko alam kung paano pero doon ko nalamang mahal ko siya. Dahil kung hindi mo alam kung paano mo siya minahal, totoong pagmamahal ang tawag diyan." Nakakagulat pero halos pareho kami ng dahil kung bakit namin minahal si Bernard. DIto ko naisip na may mga tao talagang dadating sa buhay mo para turuan ka ng leksyon. At dumating sa buhay ko si Bernard para turuan ako kung ano ang ibig sabihin ng totoong pagmamahal.

  Tinanong uli ako ni Paulo kung mahal ko si Bernard at ng ako ay umamin, lumabas ng muli ang kapangyarihan nyang makapagpatulog ng sigawan niya ako habang sinasabing sa kanya lamang si Bernard. Nilabanan ko ito pero ubod ng hirap ang gusto kong mangyari sapagkat siya ay sobrang lakas. Nang biglang may humigit sa likod ni Paulo na nagbigay daan sa hangin sa pagpasok sa ilong ko. Pagmula ng aking mata, nakita ko siBernard na tinatanong si Paulo kung bakit niya ginagawa iyon. Napansin kong nakatitig si Paulo sa nunal ni Bernard at dahan-dahang lumapit sa mukha niya. Sobrang lapit na nilang maghalikan hanggang sa hinubad ni Bernard ang kanyang kwintas na kanyang suot. Agad-agad na lumayo si Paulo kay Bernard na halos mandiri sa kanya ay nagtanong kung paano siya napadpad sa lugar na iyon. Makalipas ang ilang segundo, tila isang mahika ang naganap sapagkat ang huli kong naalala ay ang silid aralan namin na sabik na sabik sa bagong lipat na estudyante. At ang pinakamatinding tanong dito ay, sino ang lalaking may nunal malapit sa kanyang bibig? Pareho kaming nagtaka ni Paulo at parehoong aliwanagan ng ipinaliwanag ni Bernard ang hindi kanais-nais na katotohanan.

   Noong bata pa lamang daw siya, aksidente siyang napapunta sa isang bahay ng isang matandang babe. Payat, puti ang buhok at kulang kulang ang ngipin. Ito na pagkakaalala niya sa matandang abaeng kanyang nakilala. Dungisin noong bata si Bernard kung kaya't walang nagkakagusto sa kanya. Ikiunwento niya ito sa matanda at naisip ng matanda na baka ito ay dahil sa kanyang nunal kungkaya't siya ay binigyan ng kwintas at ipinangako ng matanda na kapag suot niya ito, magkakandarapa sa kanya ang tititig sa nunal niya. Halos magkasya na ang kamay ko sa loob ng binganga ko dahil sa sobrang gulat. Ni minsan ay hindi ko naisip na may taong kayang gumawa ng ganoong bagay. Nang dahil sa kanyang desperasyon, nagawa niyang manloko at gayumahin ang mga maseselang tao tulad ko, namin ni Paulo. Simula noon ay hindi ko na kinausap si Bernard.

  Araw-araw niya akong binabati ng magandang araw ngunit hindi ako tumutugon. Binibiro nya ako at pinapatawa ngunit hindi ko man lang siya magawang tingnan sapagkat puno ng galit ang aking puso pag nakikita ko siya. Maraming beses din niya akong pinapadalahan ng mga bulaklak at tsokolate nag naging sanhi ng pagpapagalit sa akin ng isa kong guro. Marami siyang sinabing batas sa paaralan na kailangan kong sundin ngunit ang naiisip ko laman ay, "Di nyo lang matanggap na may taong kayang magmahal sa akin," Tanggap ko ito dahil isa akong bakla.

   Kung kaya't ng palapit na ng palapit ang JS Prom, hindi na ako umasang magiging maligay. Ang gabing iyon ay para lamang sa mga mag-nobya at mga magagandang babae na umaasang makahanap ng minamahal sa gabing iyon. Dahil dito, naisipan kong hwag ng umattend pa sa JS Prom ngunit ako ay pinigilan ng aking mga kaibigan. Kinumbinsni nila akong mag-saya sa gabing iyon sapagkat ito na ang huling beses na may magaganap na prom. Ang sabi pa nila na susunod na taon daw ay pagsisisihan kong hindi ko pinuntahan ang animo'y pinakamasayang araw ng mga tulad naming malapit ng magtapos. Nanahimik na lamang ako at ng makaramdam silang nanahimik ako, tumigil na rin sila sa kakasalita.

   Nang buglang lumapit sa amin si Bernard, nagdesisyon akong lumayo pero nahigit nya kaagad ako at tinanong kung ano ang problema. Ipinaliwanag ng mga kaibigan ko kung ano ba talaga ang pinagdidiskusyunan namin at ng kanyan itong malaman, bigla siyang umlais ng wala man lang paalam.

  Makalipas ang tatlumpung minuto, dumating si Bernard na may dalang kandilang itim, mga papel na itim at bulaklak na pampatay. Nagtaka ang mga kaklase ko kung ano iyon at mas nabulabog ang kanilang mga isip ng magsindi siya ng mga kandila sa aking upuan. May isang papel na higante at inilagay nya ito sa aming blackboard. Nakasulat dito ang mga katagang, "Will you be my prom date?" Binigay nya ang mga bulaklak na pampatay at nagulat ang aking mga kaklase, lalong lalo na si Paulo. Isinusuot pa rin ni Bernrd ang kwintas kung kaya't nagulat ang lahat ng palaging tumititig sa nunal nya ang tulad ko lamang ang kanyang pinatulan. Ang isang gwapong nilalang sa kanilang isipang nabago ng kwintas ay inaaya ang baklang hampaslupa para sa JS Prom. Nakakgulat, hindi ba?

    Tumayo agad ako at hindi ko napansin ang apoy na nasa aking damit. Nagkagulo ang lahat ng mapansin nila na ako ay nasusunog na. Sa mga panahong iyon, naalala ko bigla ang mga panahong ako ay masugid na sinusuyo ni Bernard. Naalala ko rin naman ang pagtingin ko kay Paulo. Ang pagtulog ko sa kanyang balikat ang mga kaibigan ko na palaging nandiyan sa akin. Bumalik din sa aking alaala ang mga panahongn kasama ang aking mga magulang at ang mga alaala noong ako ay bata pa at lahat ng aking mga kalaro. Lahat ng mga alaala ay bumalik ng maunawaan kong malapit na akong mawala dito sa mundong ibabaw. At habang nasusunog ang aking katawan, may naanigan akong liwanag. Natakot ako at nagsimulang umiyal. Humingi ako ng patawad at humiling na huwag muna akong kunin. May isang lalaki akong nakita at naisip kong ito ay si San Pedro. Ngumiti lang siya sa akin ng maramdaman kong binuhusan ako ng tubig sa mukha ng isang lalaki. Kinuha nila ang fire hose ng paaralan at iyon at ibinasa sa akin. Napakasakit ng pagkakabuga ng tubig sa aking sunog na katawan ngunit dahil doon, ako ay nabuhay pa.

    Bumaik sa realidad ang lahat at doon ko napagtantuan na si Paulo lang pala ang nagbuhos sa akin ng tubig. Maliwanag din ang lugar na nakikita ko noong mga panahong iyon kung kaya't ako ay nagtaka kung bakit nandoon si Paulo sa mga panahong mntik na akong kunin ng panginoon. Realidad na ba talaga ito o kathang-isip lamang? Pero hindi ko na ginugol ang isip ko para alamin kung ano ba talaga ang nangyari ng yakapin ako ng aking mga kaibigan. Yinakap ko rin si Paulo na sumagip ng aking buhay. Nakita ko si Berard na sobrang alalang alala sa aking kalagayan kung kaya't kahit na sobrang lapnot na ng aking balat, pinilit ko siyang yakapin ng mahigpit. Nang pagmasdan ko ang paligid, napansin kong nakadungaw ang lahat sa may binatana at halatang sila ay takot na takot. Naisip ko tuloy na kung wala sana dito si Paulo, Bernard at aking mga kaibigan, papabayaan na lamang nila akong mamatay.

    Ngunit hindi ko na ito pinansin pa at pinakinggan na lang si Bernard sa kanyang pagpapaumanhin sa lahat ng kanyang nagawa ngunit imbis na galit ang bumalot sa aking isipan, pagyakap na lang sa kanya ang aking nagawa. Habang yinayakap ko siya, doon ko natutunang gawin ang lahat habang ikaw ay nabubuhay pa. Ito ay sapagkat hindi natin alam kung kailan tayo mawawalan ng buhay. Maaaring wala ng bukaskung kaya't gawin mo g lahat ng ibig mong gawin. Matuto tayong magpatawad at pinakaimportante sa lahat, palagi nating sundin ang ating mga puso. Pumayag na akong sumama sa prom at natuwa naman sina Paulo at aking mga kaibigan.

  Dumiretso na kami sa ospital para gamutin ang ilan kong mga lapnos na balat ng biglang pumasok si Villarama sa aking kwarto ng mag-isa. Tinanong ko siya kung asan na ang iba pa naming kasamahan at sinabi niyang sila ay nasa labas lamang at kailangan naming dalawa na mag-usap ng masinsinan. At sa panahong iyon, sinabi niya sa akin ang pinakamatindin niyang lihim na ni minsan ay hindi niya naisipang sabihin sa kahit na ninuman. At habang ikinukwento niya sa akin iyon ay hindi ako makapaniwala.

   Nagsimula ang kwento nya noong siya ay labindalawang taong gulang pa lamang. Si Paulo ay nasa loob ng simbahan ng umalis lahat ng tao sa loob. May sakit na cancer si Paulo at stage 4 na ito ng mga panahong iyon. Sinabi na rin sa kanya ng mga doktor na 3 buwan na lamang ang itatagal niya sa mundong ibabaw kung kaya't siya ay uhaw sa isang himala. Tinanong niya ang Dyos kung totoo nga ba talaga ang himala. Nagulat na lamang siya ng bigla siyang makatulog at mapanaginipan ang isang lalaiing nakaputi na bumubulong na siya si San Pedro.

    Nang mapansin ni Paulo ang pagtataka sa ekspresyon ng aking paka-binabae, ipinaliwanag niyang sumasapi sa kaluluwa niya si San Pedro upang madugtungan ang kanyang buhay at para na rin magpalaganap ng kabutihan. Ito na siguro ang pinakamagandang himalang nagawa ng Dyos, aniya. Ito na rin ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng kapangyarihang makapagpatulog. At dahil malapit ng matapos ang kanyang misyon, hinawakan ni Paulo ang mga sunog na balat ko at nakaramdam ako ng konting lamig at pagkatapos ng ilang segundo, nawala lahat ng aking mga sugat. Nagpaalam sa akin si Paulo at sinabihan ako na kahit na hindi sa akin sumasapi si San Pedro, siya ay umaasa na gagawa pa rin ako ng mabuti kahit na ako ay isang bakla. At sinabi niya na ang mga bakla ay hindi mga salot sa lipunan sapagkat sila ay espesyal na ginawa ng Dyos para maging kasilbi-silbi sa bayan. Namuo ang mga luha sa aking mga mata ng ipinagpatuloy pa nya na ang mga bagay na ito ay sinabi na rin nya kina Vice Ganda at Boy Abunda na ngayon ay tinitingala na ng maraming tao kung kaya't umaasa siya na matutupad din ito sa akin.

    Tumango ako sa kanyang pakiusap ng biglang nawala na lang siya ng parang bula. Bumukas ang pintuan at may isang nakasaksing nars sa biglang pagkawala ni Paulo. Nabulabog siya at ipialiwanag ko ang lahat. Na sumapi sa kanya si San Pedro at ginamot niya ang aking mga sugat. Duamting din sina Bernard at aking mga kaibigan at lahat sila ay nagulat sa aking ikinwento. Yinakap ko si Bernard at sinamit ang mga salitang, "Mahal Kita." At doon nagsimula ang aming relasyon.

    Nagpasa ako ng petisyon upang maging santo si Paulo at natutuwa naman ako dahil makalipas ang 10 taon, siya na ang tinitingalang St. Paulo the Sleeper. Marami ng nagdadasal sa kanya tungkol sa mga karamdaman at mga may sakit ng insomnia. At makalipas ng 10 taon na iyon, naka-graduate ako ng valedictorian at summa cum laude kahit na isa ako sa mga sabaw sa klasrum bago ko makilala si Paulo.. ang ibig kong sabihin ay si St. Paulo the Sleeper. Nagtatrabaho na rin ako ngayon sa isang malaking kumpanya at umaasang maikasal sa aking mahal dito sa Pilipinas ng legal, kung kami ay mapagbibigyan. Dyan na lamng nagtatapos ang aking kwento.


Nagmamahal,
CHRIS MANGANTI

No comments:

Post a Comment