IG

Tuesday, October 20, 2015

64. Ang Produkto ng aking Imahinasyon

Cos I'm a very frustrated (as in nakaka-frustrate) writer. Hahahahahha! I wrote this 3 years ago and everything that's written here was just a mere product of my imagination.  Its not yet done though but I hope that I could finish this, if something would motivate me. hehe 



KABANATA ISA

Sa isang paaralan kung saan ito ay pinamumunuan ng mga relihiyosong pari ay mag-aaral ang isang dilag na nagngangalang Alexis. Siya ay nasa ikatlong taon na sa kanyang highschool at siya ay masaya sapagkat bago siya sa kanyang paaralang lilipatan. Hindi si Alexis yung tipong lipat ng lipat ng eskwelahan kada taon. Taon-taon syang lumilipat ng paaralan at ang dahilan nito ay gusto na niyang ibaon sa limot.

Si Alexis ay nagmula sa maykayang pamilya pero hindi nya ito masyadong ipinagmamayabang. Maputi sya, matangos ang ilong at matangkad, sa madling salita, maganda. Pero kahit na maganda sya, hindi rin nya ito ipinagmamayabang at palaging nananatiling simple sa paningin ng lahat. Hindi rin naman sya yung pinakamagandang babae o isa sa mga sikat sa kanyang dating paaralan. At siguro'y ito nga ang epekto ng kanyang pagiging simple.


Habang sila ay nag-eenroll sa kanyang magiging bagong paaralan, halata sa mga mukha ng kanyang mga magulang na mas nasasabik pa sila kaysa kay Alexis. Habang nagbabayad ang kanyang tatay, nakangiting nakangiti sila sa mga babaeng nasa opisina ng bayaran. Habang nagsusukat na si Alexis ng kanyang bagong uniporme, nakangiting halos parang natatawa ang kanyang mga magulang sapagkat mahaba ang mga sleeves nito dahil ito nga ay pinamumunuan ng mga madre. At habang ibinibigay ng mga babae ang mga libro para sa Hunyo ay bigla syang kinalabit ng nanay ni Alexis at parang ito ang unang pagkakataon ng nanay nyang makakita ng mga libro. Huminga ng malalim si Alexis at inisip na,

'Kulang na lang magtatalon sila dun e. Gusto nila sumigaw pa sila ng, HORAAAY!'

Matapos gawin ang mga dapat gawin para sa kanyang enrolment, naglakad-lakad si Alexis at pinagmasdan ang kanyang magiging bagong paaralan. Hindi gaanong malaki ang paaralan na kanyang nakikita kumpara sa ekswelahan nya dati. May quadrangle sa gitna at sa paligid ng quadrangle ay ang mga building na sa tingin nya ay ang mga klasrum sa elementarya at hayskul. Simple lang ang school na yun at dahil na istrikto dito, naisip ni Alexis na,

'Siguro sobrang babait ng mga estudyante dito. Baka ako pa ang maging sobrang badass dito. Tsk!'

Huminga ng malalim si Alexis ng bigla syang ayain ng kanyang nanay na silipin ang kanyang magiging silid aralan. Inakyat nila ito hanggang sa ikaapat na palapag. Kung inyo ngang maitatanong ay ang paaralan na iyon ay mayroong pitong palapag at ng marating na nila ang klasrum, hinihingal kaagad si Alexis. Sinilip lang nila ang klasrum dahil ito ay naka-lock. Ang klasrum ay kasing laki lang ng kanyang dating paaralan at ang klasrum nya ngayon ay may platform para sa mga guro.

'Maayos rin naman pala ang klasrum nila a? Siguro maganda rin ang turo dito.'

Naisip nya. Bumaba na ang mag-ina ng tumawag sa kanila ang tatay ni Alexis. Ayon sa kanyang itay, aalis na sila sapagkat tapos na ang mga kailangang tapusin sa enrolment ni Alexis. Sumakay na si Alexis habang naka-pokerface dahil sa nakakairitang kasabikan ng kanyag mga magulang na dinaig pa sya pero sa loob nya, masaya sya. Humarurot na ang sasakyan nila at habang nagmamaneho ang tatay ni Alexis, biglang sumingit ang isang traysikel at muntik silang magkabanggaan.

*EEEEEKK!*

Tumigil bigla ang sasakyan nina Alexis habang ang traysikel ay pumarada sa tapat ng paaralan. Nagmura ng malutong ang tatay ni Alexis at binosinahan ng matagal ang traysikel habang nakakunot na nakakunot ang kanyang noo. Nagbuntong hininga si Alexis sa inis.

'Ikaw na ang humarurot, kaw pa tong galit?
' gusto nyang sabihin ngunit nagdesisyong wag na lang sabihin

Pero dahil sa bihasa na ang ama sa away trapiko, pinaandar na lamang nya ang kotse at nagmaneho pabalik ng kanilang condo.



Habang bumababa naman ang baklang si Charles, ay inaalalayan nya ang kanyang lola na muntik atakihin sa puso dahil sa muntik na banggaan.

"Grabe rin naman talaga yan. Aatakihin ako sa puso jusmiyo!"naghihingalong sabi ng lola ni Charles

"Eto naman 'la. OA ka. Huminga ka nga. Buhay ka pa naman, wag kang advanced masyado. Mamaya kunin ka ni Lord ng wala sa oras e. Kalurkey!"

Binatukan naman ni Lola si Charles gamit ang kanyang wallet.

"Aw! Masakit yan lola ha? Joke lang. I love youu!"

"Di ko bayaran ang tuition fee mo e." pananakot ng lola ni Charles

Kumamot naman ng ulo ang traysikel driver at ng hindi na nya matiis ay,

"Eh ako ho ba, may balak kang bayaran?"

Nagulat naman sina Charles at lola nya at biglang naghanap sa wallet nya.

"Oo nga, pasensya na ha? Eto oh." binayaran ni lola ang driver at ito ay umalis na

Nung umalis na ang driver, nakatitig lang ang mag-lola sa palayong tricycle driver.

"Andun pa pala talaga kanina yun 'la?"
 tanong ni Charles

"Ewan ko ba. Hay, tara na nga."



Pumasok na sina Charles at lola nya pero di tulad ni Alexis, matagal ng estudyante si Charles sa paaralan na iyon. Simula prep pa ata ay nag-aaral na sya dun kaya bihasa na sya sa mga kastriktuhan at kaartehan ng mga madre at ng apat na demonyo sa office. Ang apat na demonyo na yon ay nga tao talaga, mga namamahala sa office at nagpaparusa sa mga makukulit na bata. Hindi pa napapa-office si Charles pero marami syang kaibigan na napunta na dun at ang sabi daw ay sisigawan ka at mumurahin. Kung minsan nga ay napapagsabihan sya ng mga demonyo, ang ibig kong sabihin ay mga disciplinarian, na bawasan ang kanyang kabaklaan na kanya namang ipinagtataka dahil alam na naman siguro ng lahat na di napipigilan ang kabaklaan.

'Wala ako pake sa inyo. Mga inggitera!' ang laging pagdadabog na nababanggit ni Charles sa utak nya sa tuwing hindi sya naiintindihan ng mga "disciplinarian" at ng ilan nyang mga ka-eskwela

Nagbabayad na ang kanyang lola habang nakaupo lang si Charles sa bench malapit sa bayaran ng biglang lumabo ang kanyang salamin. Tinanggal nya ito at kanyang pinunasan gamit ang kanyang pang-itaas at tsaka nya ito binalik. Pag lingon nya sa kanyang kaliwa, may nakita syang mukhang kabatch rin nya. Maliit ang lalaking ito at mukhang tahimik. Naalala tuloy bigla ni Charles ang kanyang dating hinahangaang si Marcus. Tahimik rin si Marcus, sobrang tahimik na parang hindi mo sya mapagsasalita. Naalala ni Charles kung pano sila magkulitan at kung gaano kaiba sya kausapin ni Marcus kumpara sa iba. Malapit rin kasi sina Marcus at Charles. Sa katunayan nga ay sina Charles lang ang kinakausap ni Marcus dahil nahihiya sya sa iba nyang mga kaklase. Heartthrob si Marcus sapagkat bago sya noong isang taon at kapag bago ka sa paaralang iyon, nasa iyo ang atensyon ng lahat. Maraming nagkakandarapa kay Marcus pero dahil nga sya ay tahimik, wala syang naging nobya. Pero meron din syang naging crush nun, si Candice. Nanlumo naman si Charles nung naisip nya yun. Si Candice, ang gusto ni Marcus.

'Bakit ba kasi hindi na lang ako?'

Naisip nya. Pero hindi rin naman nya maikakailang alam na rin nya ang sagot, dahil lalaki rin sya.

Tumayo na lang sya nung marinig nya ang tawag mula sa kanyang lola para sila'y umalis na. Mukhang natapos na si Charles ienroll ng kanyang lola kaya siya ay tumayo na sa kanyang upuan at umalis na.

Naiwan namang mag-isang nakaupo si Brian. Sobrang tahimik ni Brian at konti lang sa mga kaibigan nya ang nakakakilala kung ano talaga ang tunay nyang ugali. Maliit si Brian pero ngayong taon, medyo tumangkad sya, salamat sa gatas. Kasama ni Brian mag-enroll ang kanyang kapatid na nakababata at ang kanyang nanay. Naghalumbaba lang si Brian dahil siya ay naiinip kaya ng wala na talaga syang magawa, nilabas nya ang kanyang iPhone 4s at naglaro ng Temple Run. Nasa tapat sya ng office ngayon pero,

'Siguro naman pwede to. Di pa naman pasukan e. Andyan naman pati sina mama.'
Naisip nya. At tama naman ang kanyang hinala, hindi sya pinagalitan ng mga 'disciplinarians' sa office at pinabayaan na lang syang maglaro. Habang sya ay naglalaro, tinabihan sya ng kanyang kapatid pero imbis na sila ay magkulitan, tahimik lang ang dalawa habang sila ay naghihintay sa kanilang inay na matapos sa pag-eenroll sa kanilang dalawa. Pinapunta sila ng nanay ni Brian sa bookstore para kunin ang mga libro nila sa Hunyo at pagkatapos nito ay umalis na sila. Habang sila ay nasa kanilang sasakyan, hiniram ni Brian ang resibo mula sa kanyang inay.

"Ma, anong section ko?"

Lumingon naman ang nagmamaneho nyang inay saglit at sumagot ng,

"Lahat naman ng mga late na nag-enroll ay nasa last section diba anak? Ano ba yung last section sa Third Year? Yung nasa dulo?"

Nag-isip si Brian at biglang natandaan ang section na nasa pinakadulo sa Third Year.

"Ah, Wisdom."



Habang nanonood si Alexis ng kanyang paboritong series na, Drake and Josh, bigla syang pinagpatayan ng telebisyon ng kanyang kapatid.

"Hoy! Ano ba yan? Nanonood yung tao dito oh. Respeto naman please?"

Tinanggal ng kapatid ni Alexis and CD ng pinapanood ni Alexis at pinalitan ito na tila walang naririnig.

"Mamaya na nga yan. Nanonood pa ako e!"

Umupo sa tabi ni Alexis ang kuya nya sabay ito'y kanyang yinakap.

"Omg, sister! Nakakatakot sila, bat sila nagpapatayan?" pagbabakla-baklaan ng kuya ni Alexis

Tumingin si Alexis sa kanilang TV sabay hinampas ang kuya nito.

*hampas* "Eh wala pa ngang ginagawa e!"

Tumawa naman ng malakas ang kuya ni Alexis na parang wala ng bukas. Nakapagpalit na rin si Alexis ng kanyang pambahay at naghihintay na lamang sya na dumating ang isa pa nyang kuya para sila ay makakain na ng kanilang hapunan. Naiinis si Alexis sa kanyang nakatatandang kapatid pero dahil nga wala syang magagawa, nakinood na lamang sya.

"Kumusta naman enrolment mo kanina?" pangungumusta ng kapatid nya

Kwinento naman ni Alexis yung paaralan at kung gaano lang kaliit ang magiging school nya. Kwinento rin nya na mahaba ang sleeves ng uniform nya at may halong pagrereklamo rin dahil sasabayan ng kahabaan ng sleeves nya sa init ng panahon. Pero hindi na kwinento ni Alexis ang kairitahan nya sa mga magulang nya kani-kanina lang. Alam na rin naman nya ang mangyayari at paulit-ulit na lang rin naman. Mukha namang nakikinig ang kuya nito nung una pero nung kalaunan na ay, halata sa mukha ng kuya nya na nakatitig na lang sya sa mga giyera at patayan na kanyang napapanood.

Tumayo saglit si Alexis para kumuha ng tubig at uminom. Maya maya pa'y may kumatok sa kanilang pinto.

"Sino yan?"
"Pogi,"

Binuksan ni Alexis ang pinto at yun na nga ang isa pa nyang kuya. Sumama ang kuya nya sa panonood ng pelikulang Blood Diamond pala ang pamagat. Nakakaramdam na rin ng gutom si Alexis kaya tinawag na nya ang kanyang mga magulang upang ipaalam na andun na ang kuya nila. Lumabas na rin sila. Kumain sila ng sabay sabay pero kung gaano kalaki ang mga ngiti ng kanyang mga magulang at mga kapatid, ganoon naman kaderetso ang mukha ni Alexis.

"Nak, ano problema natin? Ayaw mo ba sa bago mong school?" tanong ng tatay nya

Katahimikan ang isinagot ni Alexis.

"Kung nabibigla ka lang sa mga nangyayari, magsasabi ka lang nak ha? Wag kang matatakot." dagdag ng kanyang inay

Tumango na lang si Alexis pero sa loob nya, naiirita sya. Nanatili lang syang tumahimik hanggang sa nahawa na nya ang iba sa pagiging tahimik. Tumayo na si Alexis at nilagay ang plato nya sa lababo.

Si Charles naman ay kumakain kasama ang kanyang tatay, lola at nakababatang kapatid. Hindi nya kasama ang nanay nya ngayon dahil nasa trabaho pa ito at habang kumakain, nagpatugtog ng kantang Kiss You si Charles at kumanta.

Coz every time we touuuch

I get this kinda ruuush

Baby say Yeaaaahh

Yeaaahh, let me kiss you
Pagkanta ni Charles na hindi nya masyado maisguro kung tama sya sa lyrics at kahit na rin sa tono. Kumunot naman ng noo ang tatay nya at napakamot ng ulo. Dere-deretso lang ng pagkain habang tila nagcoconcert sa hapag si Charles.

"Tumahimik ka nga dyan. Ang ingay o. Bawas bawasan mo nga yang kabaklaan mo." inis na inis na wika ng ama ni Charles

Humagalpak naman ng tawa si Charles pero dahil napansin nyang naiinis na talaga ang tatay nya, pinatay na nya ang musika at nagpatuloy na kumain. Kinamusta ng ama ang enrolment ni Charles pero imbis na si Charles ang sumagot, ang lola nya ang nagreklamo sa tatay nya.

"Hay jusko! Mamamatay ako kanina. Akalain mo ba naman, muntik kaming masagasaan sa traysikel!"

Napatigil naman ang tatay ni Charles sa pagkain. "Anong nangyari?"

Kwinento ng lola ni Charles kung paano sila muntik magkabanggaan ng isang magarbong sasakyan at kung paano sila binosinahan. Hindi masyadong malinaw ang pagkakakwento ni Lola sapagkat masyado na syang nabigla ng magkabosinahan pero ang alam nya, nagalit sya sa driver sa pagbosina sa kanila.

Umikot naman ang mata ni Charles at sinabing, "Ano ka ba 'la? Yung driver naman kasi natin e, sumingit. Akalain mo yun? Nakakaloka!"

"Ewan ko sayo. Ah, basta. Galit na ako sa sasakyang yon."pagmamatigas ng matanda

"Galit sa sasakyan? Naku 'la, mahirap yan. Wag kang magagalit sa bagay na walang kamalay malay!" pambabara naman ni Charles

Tiningnan ng masama ni Lola ang apo at dahil sa nanlilisik nyang mata, hindi napigilan ni Charles ang tumawa. Alam na nya ang mangyayari kaya kumaripas na sya ng takbo.

"Hoy bata ka! Bumalik ka dito di pa tapos yung pagkain mo!" sigaw ng lola

"Ayoko! Hahampasin moko ng tinidor mo."

"Osya. Hindi na. Tara na nga bumalik ka na."

Bumalik na si Charles at nagpatuloy na silang kumain.

Habang masayang kumakain naman si Charles, ang ating isa pang karakter ay tahimik na kumakain sa kanilang tahanan. Nahulaan nyo na ba kung sino ito? Tama! Si Brian. Wala sa bahay ang kanyang mga magulang. Ang tatay nya ay nagtatrabaho sa malayo at ang nanay nya ay bumalik na sa trabaho pagkatapos syang i-enroll. Ang kapatid naman nya ay tahimik ding kumain at di tulad ni Alexis, hindi sya malapit sa kanyang mga kapatid. May tatlo syang nakatatandang mga ate kaya sya ang nag-iisang lalaki sa bahay nila. May dalawa rin silang yaya pero di rin sya malapit dito dahil sya ay napakamahiyain. Habang kumakain ay walang nagsasalita. Walang kumikibo. Parang kumakain ka lang mag-isa. Para kay Brian, di na bago to sapagkat araw araw ng 'scenario' ang katahimikan sa bahay nila. Lahat ng kanyang mga kapatid ay mahiyain din pero ang weirdo nga lang dahil pati sa pamilya nila ay nahihiya sila.

Natapos ng kumain si Brian kaya pumunta na sya sa salas. Nanood sya ng TV at habang nanonood sya, saka dunating ang mga ate nya. Sinamahan sya ng isa nyang ate na manood pero kumain ang dalawa ng kanilang hapunan.

Nang biglang umulan ng malakas at maya maya pa ay nandyan na rin ang malalakas na kulog at kidlat.

"Lakas ng ulan bigla ah? Baka mawalan ka pa ng pasok sa 13, Brian."komento ng ate nya

Sinagot ni Brian ang ate ng isang tango at maya maya pa nga ay andyan na si Kuya Kim.

'Magandang gabi ng mga Kapamilya. Ang malakas na ulan po ay dala ng low pressure area at ito ay mawawala sa Martes. May posibilidad rin na mawalan ng pasok sa Lunes.' sambit ni Kuya Kim

Napanood rin ito ni Alexis sa bahay nila. Napanood rin ito ni Charles sa bahay nila. Napanood nilang lahat ito.

--

KABANATA DALAWA


Hunyo 13. Ang unang araw ng klase para sa paaralang pangalanan na nating, Our Lady of Perpetual Sorrow. Pumasok na sa klasrum ng Humility si Marcus na tila medyo kinakabhan dahil wala sya masyadong kilala dito. Buti na lamang ay palakaibigan ang mga kaklase nya at mukhang mababait naman, kahit may pagka-makukulit. Kulog ng kulog pa rin ngayon pero hindi nasuspindi ang klase nila. Dahil ikalawang taon na dito ni Marcus, masasabi mo ng bihasa na siya sa kabagalan ng pagsususpindi ng klase ng kanilang paaralan. Para kasi sa kanila, edukasyon ang pinakamahalaga at hindi dapat sinususpende ang klase sa simpleng ulan lang. Ang problema nga lang ay, ang simpleng ulan ay nakakapagdulot na ng baha sa lugar nila. Tumitig si Marcus sa may bintana nila at napansing medyo tumitila na ang ulan, salamat sa Dyos.

Naisip tuloy ni Marcus kung paano na kaya mamaya kung dumere-deretso pa ang ulan. Panigurado ay babaha na naman at mababasa na naman sya ng ulan na kanyang kinaiinisan ng sobra. Ayaw kasi ni Marcus na mababsa sya ng ulan dahil una, magkakasakit sya. Ikalawa, magkakasakit sya. Isa ito sa mga bagay na di alam ng karamihan tungkol kay Marcus. Di man sya masyadong nagsasalita, marami namang tumatakbo sa utak nya. Mahiyain si Marcus pero ang nakakapagtaka sa kanya ay, hindi sya mahiyain sa dati nyang pinapasukan. Magulo pa nga sya kung tutuusin. Bago lamang noong isang taon si Marcus at siya ay lumipat dahil sa dahilang nais na nyang kalimutan.

Nagpakilala na ang kanilang guro at dahil ito nga ang unang araw ng pasukan,

"Humility! Dahil first day ngayon at hindi ko pa kayo kilala, introduction muna tayo. Start tayo dito sa first row."

Ito na marahil ang pinakakinaiinisang gawin ng mga estudyante tuwung unang araw ng pasukan, ang 'introduce yourself'. Maraming nagpalitan ng mga upuan lalong lalo na sa unang hanay pero sila ay nasaway naman ng maaga ng kanilang guro. At hayun na nga, nagpakilala na ang mga nasa unang hanay pero ang pinakanakakalibang na pagpapakilala ay galing sa ating karakter na si Anthony.

"Hi. You can just call me Anthony. I'm 15, friendly, handsome,"

"WEEEEHH?" sabat naman ng buong klase sa kanya

"Aminin nyo na okay? Matagal na kayong naaakit sa kagwapuhan ko."banat naman ni Anthony na mas lalong kinaingay ng klase

"Nasaan?!"

"Shhh, class quiet. Patapusin na muna natin si handsome Anthony." biro naman ng kanilang guro

"Thanks miss! So ayun nga, handsome ako and I love One Direction."

Nagtawanan naman ang buong klase pati na rin ang guro nila.

"So Directioner ka rin pala?"

"Yes, miss."

"Ah, ayos yan. Magkakasundo tayo. Gusto mo sisters na tayo?"

"Sure miss." sabay kindat ni Anthony

Dahil sa tawanan ng klase, nawala ng bahagya ang kaba ni Marcus. Makulit si Anthony at mukhang kinakausap nya ang lahat. Palagi rin syang nakangiti na parang wala syang kahit na anong problema sa mundo. Napaisip bigla si Marcus kung gaano kasaya ang buhay nya kung mawawala ang kanyang pagkamahiyain. Kung mawawala na ang pagkamahiyaing hindi naman nya talaga ugali.

Nagpatuloy ang pagpapakilala ng mga estudyante sa Humility at bawat pagpapakilala ay may kasamang tawanan dahil makulit din ang kanilang magiging nanay-nanayan sa kanilang pagiging Third Year.

Malapit ng tawagin ang ating isa pang karakter na si Darla ng bigla syang kuhitin ng kanyang kaibigan.

"Uy Darla, si Marcus o."

Tumuro ang kanyang kaibigan pero pinitik nya kaagad ito, "Wag ka ngang turo ng turo dyan. At alam kong andito sya, FYI."
"Sorry naman." tumigil saglit ang kaibigan nya, "Aha! Kaya ka siguro nagpa-early enrolment no? Para makaklase sya."

Ngumiti naman si Darla.

'Darla to no? Ano pa bang iniisip nyo?' naisip nya

Simula pa kasi noong isang tao'y may gusto na sya kay Marcus. Hindi nya ito maintindihan sapagkat hindi naman ito nagsasalita. Hindi naman sya yung hinahanap nyang 'ligaya' sa isang lalaki. Pero gustong gusto nya ito. Siguro nga ay dahil na rin sa sikat ito at may pagkamisteryoso kaya nya ito nagustuhan, naisip nya. Kung minsan nga'y nalilito sya kung totoo ba ang pagiging lalaki ni Marcus o hindi sapagkat sa dami ng lalaking kanyang nakilala, siya ang pinaka-kakaiba. Ang mga galaw nyang pang-akit sa iba ay iniiwasan lang ni Marcus at kung minsan pa nga'y linalayuan pa. Tulad na lang nung hinawakan nya ang kamay nito noong sila'y nakaupo sa platform noong isang taon. Kung sa ibang lalaki iyon, lalapit ito at yayakapin o kaya nama'y liligawan pagkatapos noon. Kung minsan pa nga'y hahawakan sa kanyang maseselang parte na kanya namang kinasisiyahan. Pero nagbago na sya, o kaya nama'y sa tingin nya ay nagbago na sya. Ngunit pag kay Marcus, pinapabayaan lang nya ito hanggang sa magsawa lang si Darla.

"Huy Darla ikaw na!" sigaw ng kaibigan nya at napansin nyang nakatingin sa kanya ang lahat

Tumayo sya at ngumiti, para makaiwas na rin sa kahihiyan at sinimulan ang kanyang pagpapakilala.

"You can call me Darla. I'm 16 years old. Friendly, sporty and loves music."

Paupo na sana si Darla ng bigla pa syang tanungin ng kanilang guro.

"So Darla, what's your motto in life?"

Ngumiti si Darla at mabilis na sinagot ang, "Just always go with the flooooooow."

Napangiti naman ang teacher nila at pagkatapos noon, nakipag-usap si Darla sa mga katabi nito at mabilis ilang naging magkakaibigan. Kasama sa mga nakahalubilo nya si Anthony na halatang halata ang pagiging masigla. Akalain mo, unang araw palang ng klase, nakikipagharutan na kaagad sya sa katabi nya. Pero para kay Anthony, normal na ang ganito. Hindi siya mahilig mag-seryoso at kung may pagkakataong magse-seryoso man siya, maikokonsidera mo na itong milagro sapagkat ito ay napakadalang na mangyari. Si Anthony ay mahilig magpatawa at mahilig makipagkaibigan. At dahil nga mahilig syang magpatawa, forte nya ang magpanggap na bakla para mapatawa nya ang klase. At kung ano ang dahilan? Siguro ito na ay dahil mas madaling magpatawa ang lalaki kung magbabakla-baklaan ito. Pagkatapos makipagharutan ni Anthony sa kanyang katabi, nagpakilala naman si Marcus.

"Marcus. I'm 15." umupo na si Marcus

Nag-abang naman ng kasunod na sasabihin ang mga kaklase nya pero mukhang wala ng ibubuga itong ating karakter. Akalain mo nga naman, sa lahat ng mga kaklase nyang nagpakilala, sya lang ang hindi nagbanggit ng kanyang mga hilig o kung ano ang ugali nya. Dahil sa matagal na katahimikan, bigla na lang natawa ang kanyang mga kaklase.

"Uhh, anong mga hobbies or likes mo, Marcus?" sambit ng kanilang guro

Nag-isip naman si Marcus. 'Ano bang masasabi ko sa mga to? Pake ba nila?' naisip nya nagbuntong hininga sya sabay sinabing,

"Dota,"

Mukhang natuwa naman ang mga lalaki sa klasrum na iyon at nakipag-apiran kay Marcus at ang pasimuno rito, syempre, ay si Anthony.

"Ayos yan pre. Magkakasundo tayo dyan!"

At dahil nga doon, nagkaroon ng mga kaibigan si Marcus. At habang nagkakaroon ng "kasiyahan" sa section ng Humility, dumako naman tayo sa section ng Wisdom na katatapos lang ipakilala lahat ng mga estudyante. Anim ang mga bagong lipat sa section na yun at isa na nga doon si Alexis. At dahil bago sya, nasa kanya ang atensyon ng lahat. Lahat ng mga lalaki ay pinagtitinginan ang bagong nilang kaklase at may ilang naiinis na kaagad dito kahit wala pa itong ginagawa. Marami ring nag-iisip na magiging sikat ito sa Our Lady of Perpetual Sorrow dahil maganda ito at mukhang maarte. Pero iba ang bida nating si Alexis at iyon ang hindi nila alam.

Sa unang araw, walang ginawa si Alexis kung hindi ang ngumiti dahil gusto nyang magkaroon ng maraming kaibigan sa paaralang ito. Natutuwa rin sya sa klase na iyon dahil makulit din ang kanilang magiging tatay-tatayan.

"Oh ano ba yan, tapos na tayong mag-introduction. Ano pa bang gagawin natin? Tinatamad na ako e."

Tumahimik naman saglit ang klase ng maya maya pa ay, "Sr, gawin na lang nating lalaki si Charles!" sigaw ng isa nilang kaklase

Nagtawanan naman ng malakas ang buong klase pero imbis na sagutin ni Charles ang kaklase niya, ngumiti at nag-pout lamang ito sapagkat siya ay nahihiya pa sa klaseng iyon.

'Humanda ka sakin next week. Pasabugin kita dyang eklabu ka!' iniisip ni Charles

"O'pwede rin a! Charles! Lalaki ka ba o hindi?!" pagmamatigas na boses ng guro

Humagalpak naman sa kakatawa ang klase at isa na rito si Alexis. Tumawa rin naman ng mahina si Charles sabay sumagot ng, "Hindi."

"Magpapakalalaki ka o hindi?!"

"Hindi," medyo mas malakas na sagot ni Charles

"Pag hindi ka nagpakalalaki, ibabagsak kita. ANO?!"

Tila halos mamatay na ang mga kaklase nila sa kakatawa pero nanatili lang na naka-pout ang ating karakter na medyo natatawa na rin. Pagkatapos ng ilang minutong pangungulit ng kanilang guro, nakaisip ito ng isang gawain para mas maging malapit sa isa't isa ang klase.

"Guys, group yourselves into ten. Ngayon na."

Naghanap naman ng mga kagrupo ang ating mga karakter. Magkakagrupo sina Brian at Charles pero hindi pa rin sila nag-uusap dahil hindi pa naman sila magkakilala at kagrupo naman ni Alexis ang mga kalapit nya ng upuan. Pinalapit ng guro ang anim na mga transferee sa unahan.

"So guys! Ang bawat transferee ay iikot sa mga grupo at magpapakilala kayo isa isa okay?"

"HA?" sabay sabay naman na wika ng klase

Nagbuntong hininga naman ang guro, "Kunware, ang isang transferee, sa grupo dyan. Tas yung isa dito. Bawat grupo, magpapakilala isa isa sa napatapat sa kanila tapos pag nag-signal ako, lilipat naman sila sa kabilang grupo. Gets?" naiinis na pagpapaliwanag ni Ser

"AHHH," sabay sabay na wika na naman ng klase

"Ahh,"panggagaya naman ng guro, "Ocge na. Start na."

Unang napunta si Alexis sa grupo ng mga babae na mukhang tahimik. Isa-isang nagpakilala ang mga babae kay Alexis ngunit mukhang sila ay nahihiya dahil ang mga tulad ni Alexis, na maganda, ay tipo ng mga sikat na alam nilang hindi sila kakaibiganin. Natapos ang pagpapakilala ng mga tahimik na babae kaya lumipat naman si Alexis sa grupo ng mga sikat na babae. Sabik na sabik ang mga ito na kausapin ito.

"Hi! Anong pangalan mo?" tanong ng isa habang ito ay sobrang laki ng ngiti

Nagsilapitan naman ang mga kaklase nito at hinaplos ang kanyang buhok

"Alexis," sagot naman niya habang sobrang laki ng ngiti

"Ang ganda mo! Ganda rin ng buhok mo. Totoo ba yan?"

"Oo, kulay lang ang hindi. Haha!"

"Nako, bawal dito yan,"
Ngumiti na lang si Alexis at nung tiningnan nya ang mga mukha ng kanyang mga kaklase, nakangiti pa rin ang mga ito at mukhang walang humpay ang kanilang pagsigaw habang nagtatanong kay Alexis.

'Magiging sikat to," iniisip ng mga nasa bilog na iyon na kung tutuusin ay ganoon din ang iniisip ng lahat.

"Marunong kang mag-volleyball?"

Napatigil naman si Alexis. 'Volleyball? Ayoko na no!' naisip nya

"Hindi e," pagsisinungaling nya

"Aw, sayang. Isasali ka sana namin sa intrams. Eh kahit anong sport. Badminton, table tennis?"

Umiling si Alexis. Sumutsot ang kanilang guro sapagkat masyado ng umiingay ang klase at pagkatapos ng ilang segundo, pinalipat na si Alexis sa grupo ng mga maloloko at sikat na lalaki. Halata sa mga mukha ng mga lalaki na natutuwa sila sa bago ilang kaklase. Nagpakilala sila isa isa pero dahil sa ingay ng klase at bilis magsalita ng mga lalaki, walang natandaang pangalan ni isa itong ating bida. Ngumiti na lang sya at nagpakilala at ang isa nilang mukhang may sira sa ulo ay inuutusan nilang bigyan ng "pick-up" line si Alexis. Nag-isip ng nag-isip ang mukhang may sira sa ulo nilang kaklase ngunit wala talag itong maisip. Mental block kumbaga. Wala ng masabi ang mga lalaki ng biglang tinulak ng isa sa bilog na yun ang kaklase nilang mukhang may sira sa ulo kay Alexis pero sya ay umilag kaya ang ginawa nya ay lumayo ito sa bago nilang kaklase. Pagkatapos nitong lumayo, lumayo rin ang kasunod nya at pumunta sa platform kung saan nakatayo ang iba pang mga lalaki hanggang sa wala ng katabi si Alexis. Natatawa lamang ang dilag dahil nagmukha ng "one straight line" ang dapat na bilog.

Pinalipat na si Alexis sa tahimik na grupo ng mga lalaki at nandoon na nga sina Brian at Charles. Nagpakilala ang mga iyon at ang pinakatahimik ay ito ngang si Brian. Nakatingin lang sya sa sahig at nung nagpakilala sya kay Alexis, sobrang hina ng kanyang boses. Sabi ng isa nyang kaklase, tahimik lang daw talaga ito at medyo na-weirdohan ang ating bida. Si Brian naman ay sobrang nahihiya sapagkat wala sya masyadong kaibigan sa klase ng Wisdom. At ngayong ipinakikilala na itong si Alexis, mukhang naiinip na sya dahil mas gusto na nyang umupo sa upuan nya at matulog. Pero kung sa ibang tao mo itatanong, mukha lamang syang mahiyaing bata. Bata, dahil mukha syang bata. Hindi na rin nya inisip na kilalanin si Alexis sapagkat nakasisiguro naman ito na hindi nya magiging kaibigan ang ating bida.

'Magiging sikat rin naman yan. Di rin mamamansin yan.' naisip nya

Pinakilala na rin si Charles at mukhang natutuwa si Alexis sa kanya sapagkat bawat galaw lang nya ay natatawa na kaagad ng malakas si Alexis. Bakit? Ito ay sapagkat sa unang tingin mo pa lamang sa kanya ay malalaman mo na ang kanyang kasarian at konting galaw lang niya ay matutukoy mo na kaagad na bakla siya. Pero dahil ito nga ang unang araw ng klase, tila nahihiya pa itong si Charles sa bagong kaklase.

Natapos na ang pag-iikot at pinag-recess na ng guro ang klase. Habang nasa canteen si Alexis ay pinagtitinginan ito ng mga lalaki at maraming bumabati sa kanya para maging kaibigan ito. Tuwang tuwa naman si Alexis na maraming palakaibigan dito sa Perpetual Sorrow. Dumaan sya ng klasrum ng Humility at noong saktong pagdaan nya ay nakita siya ng ating karakter na si Anthony habang kasama si Marcus.

"Pre! Sino yun? Ang ganda oh." sabik na sabik na tanong ni Anthony

"Nasan?" tanong naman ni Marcus

"Ayun, ay wala na," sabi ni Anthony ng mapansin nyang pumasok na sa CR ang dilag

"Bakit? Ano ba yun?" pagtaakang tanong ni Marcus

"Wala. Ang ganda kasi,"

--
KABANATA TATLO

Simula ng makita ng makulit na si Anthony si Alexis, ay palagi na nya itong hinahanap. Kada recess ng klase ng Humility, dumudungaw si Anthony sa Wisdom para lang masulyapan si Alexis. At palaging nagrereklamo kay Marcus na,

"Bakit ba kasi kailangang iba iba pa ang recess bawat section e. Daming alam nitong Perpetual Sorrow na to."

Iba iba kasi ang oras ng recess ng bawat section sa Perpetual Sorrow. May 10 minutong agwat kada section para hindi mapuno ang kantin. Maliit lamang kasi ang kantin sa ikapitong palapag at 20 minuto lang ang kanilang recess kaya't naisip ng eskwelahan na baka hindi makakain ang mga estudyante ng ayos kung ganito ang sitwasyon. Pero hindi ito maintindihan ni Anthony dahil nga, sabik na sabik syang makita si Alexis. Palagi nyang kasma sa pagdungaw ang mga kaibigan nya, kasama na si Marcus at dahil nga tahimik itong si Marcus, hindi na lang ito nagsasalita. Wala nga itong pakialam, sa totoo lang dahil ang mas iniisip nya ay si Candice.

Halos dalawang linggo rin ang pagsulyap ni Anthony kay Alexis sa malayo ngunit hindi nya ito magawang lapitan sapagkat siya ay isang torpe. Nakakagulat ba ang aking rebelasyon? Sino nga ba naman ang mag-aakalang torpe pala ang makulit na si Anthony? Pero sa maniwala kayo at sa hindi, ang aking sinabi ay totoo. Ito naman ang ipinagtaka ni Marcus sapagkat sa pagkakaalam nya, palakaibigan itong si Anthony at kinakausap nya ang lahat.

'Bakit yung Alexis na yun di nya magawang kausapin? Nababakla na naman ata to o.' naisip nya

At dahil nga sa animo'y katorpehan ni Anthony, dalawang linggo lang syang pasulyap-sulyap, patingin-tingin at abang ng abang kung kailan sila magkakakilala.

"Alam mo ang hina mo pare. Kaklase ko kaya si Alexis. Kakwentuhan ko pa nga minsan e." sabi naman ng kaibigan ni Anthony habang sila ay naglalakad papuntang klasrum nila

Napatigil naman sa paglalakad si Anthony at dahan dahang lumingon sa kaibigan, "K-k-kakwentuhan? Close na kayo?!" madiin nyang tanong

Kumunot naman ang kilay ng kaibigan na tila nawi-wierduhan sa tanong ni Anthony, "O-oo. Mabait naman yun e. Friendly rin naman pati."

"Bat di mo naman sinabi pare?"
"Bakit, nagtanong ka ba?"
Gusto nang banatan ni Anthony ang kaibigan ngunit huminga muna sya ng malalim at tsaka sinabing,

"Umm, pare alam mo, sa lahat ng mga kaibigan ko," sabay akbay sa kaibigan, "ikaw ang pinakamahal ko."
Umikot naman ang mata ng kaibigan at sinabing, "Tumigil ka na nga dyan. Kakausapin ka naman siguro nun."

Sa sinabi ng kanyang kaibigan na friendly itong si Alexis, nabuhayan ng loob si Anthony. Ngumiti sya at namula. 'Di na siguro nakakahiya to.' naisip ni Anthony ng biglang nakita nya si Marcus na inunahan na ang dalawa papunta sa klasrum ng Humility na tila naiinip na sa 'kalandian' ng kaibigang si Anthony. Napakamot naman si Anthony nung pumasok na si Marcus sa klasrum at sinabing,

"Loko talaga tong hayop na to. Di na naman nagsalita. Tsk!" pumasok na rin sya at nagsimula ng muli ang klase ng Humility

Habang nagkaklase naman ang Humility, bumalik na sa klasrum ng Wisdom ang kaibigan ni Anthony. Doon ay nakita nya si Alexis na kasama ang ilan nyang mga nakaibigan. Itatanong na sana ng kaibigan kung pwede si Alexis ngunit may isa syang planong gusto nyang gawin.

Lunch na noon at katatapos lang magklase ng guro sa Wisdom. Umakyat sina Alexis kanyang mga kaibigan sa kantin para kumain at ang kaibigan ni Anthony, na kasama rin sa pagkain ni Alexis, ay napapangiti sa kanyang plano. Ang oras ng tanghalian ng Humility at Wisdom ay may kalapitan kumpara sa recess kaya napapangisi siya lalo na nung nakita nya si Anthony.

Umupo na ang magkakaklase at napatingin si Anthony sa kaibigan. Nagsensyasan sila gamit ang kanilang mga mata at dahil sa senyasang iyon, tila kinabhan ang ating karakter na si Anthony. Kumunot naman ang noo ni Marcus nung nakita nya si Anthony na nagpapaka-weirdo na naman.

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Marcus

"Shet, pare!"
"Ano yun? Inlab ka na dun sa kaibigan mong payat?"
Kinindatan naman ni Anthony si Marcus na tila nang-aasar pero walang reaksyon si Marcus at ipinagpatuloy ang patapos na nyang pagkain. Natawa naman si Anthony kay Marcus, "Pre, ipapakilala na daw ako kay Alexis," nasasabik na sabi ni Anthony

Tila wala namang pakialam ang ating bida kaya tumayo lang sya, kinuha ang pinggan at ibinalik sa mga tagabenta ng pagkain sa kantin. Pagkatapos noon ay bumaba na sya hanggang sa sumama na rin ang ilan nilang kasamahan.

"Pambihira talaga yun o," nasambit na lang ni Anthony

Napakamot na lang si Anthony ng hindi nya namalayang nasa likod na pala nya si Alexis. Kinuhit ng kaibigan si Anthony at paglingon ni Anthony, nakaharap na sa kanya si Alexis at mukhang hindi pa tapos kumain.

"Alexis, Anthony nga pala." sabi ng kaibigan na tawa lang ng tawa

Tiningnan naman ni Anthony si Alexis ng kanyang killer smile pero habang ipinakikilala ng kaibigan si Anthony, tila nakikipag-showdown itong ating bida sa payat na lalaki sa kakatawa. Ngumiti naman sa kanya si Alexis pero tawa pa rin sya ng tawa. Ang hindi alam ni Anthony, binuko na sya ng kaibigan at sinabihan sya na,

"Patay na patay sa'yo yan, Alexis. Wag ka, Directioner rin yan magkakasundo kayo, pramis!"

Umalis na sina Anthony dahil malapit na ang kanilang kasunod na teacher at ang mga natirang kaibigan ni Alexis ay sabay sabay na nag,

"YIIIIEE! Anthony ka pala ha?" habang natatawa-tawa

Malakas ang tawanan at tuksuhan ng magkakaklase at dahil dito, nainis ang mga grupo ng mga sikat at ito na nga ang ating karakter na si Candice. Ang grupo ni Candice ay nasa kabilang lamesa lamang at halos lahat sila ay nakatingin kay Alexis.

"Ano ba yang mga yan, papansin lang te? Porke sikat na sya ngayon a?" sambit ng isang kaibigan ni Candice

Nanatili namang nakatitig si Candice kay Alexis at pinagmasdan ang mukha nito. "Hindi naman talaga sya maganda e. Bat ba ang daming nagkakagusto dyan?"

Nagsi-oo nga maman ang mga kasama hanggang sa mapansin na ni Alexis na nakatingin sa kanya ang grupo ni Candice. Nagkatinginan ang dalawang dilag at habang nagkatinginan ay,

'Sino kaya sya? Ganda naman nya,' naisip ni Alexis

Habang si Candice naman ay, 'Sama makatingin nito a? Problema mo?'

"Grabe girl! Nakakainis na talaga sya. Hate at first sight ata to."panggagalaiti ng kaibigan

Sang-ayon naman dito si Candice, "Di ko nga alam kung bat maraming nagkakagusto dyan e."

"Girl akalain mo daw, mas maganda daw sya sayo. Mygod!"

Nagulat naman dito si Candice at kumunot ang noo.

'Mas maganda pala ha?' naisip ni Candice

Uwian na sa Our Lady of Perpetual Sorrow at isa ng normal na tawain na nakakalat ang mga estudyante sa koridor tuwing uwian. Lumabas na si Candice kasama ang mga kaibigan at sa kanyang paglabas ay may nakita syang dalawang batang babae na nakatayo sa harap ng kaibigan nya.

"Ate, pwede pong pa-autograph?" sabi ng batang babae

Kinuha naman ng kaibigan ni Candice ang notbuk ng batang babae at saka ito ay pinirmahan. Umalis ang dalawang babae at nagpasalamat ng may malaking ngiti sa kanilang mga mukha.

"Mukhang dumadami ata fans natin a?" bati ni Candice

"Ganyan talaga,"

Nagtawanan naman ang iba. Kung normal na sa Perpetual Sorrow na magkalatan ang mga estudyante sa koridor, maikokonsidera mo na ring normal ang pagpapa-autograph sa grupo ni Candice. Maraming likes sa Facebook ang magkakaibigan at nakakaabot pa ang kanilang kasikatan sa labas ng Maynila. Internet famous daw ang tawag sa kanila at kung minsan nga ay may bigla bigla na lang lalapit kay Candice at sasabihing,

"Miss, anong number mo?"

Sa mga ganitong pagkakataon, ang linya ni Candice ay,

"Kinagwapo mo na yan kuya?"

Pero nangyayari lamang yon kapag sa labas mo ito gagawin. Pero naniniwala naman si Candice na hindi sya masamang tao. Ayaw lamang nya na siya ay minamaliit ng ibang tao at kadalasan nga nama'y nakikipagkaibigan sya sa kanyang mga kabatch.

Ang kasikatan ni Candice ay isa sa kanyang mga ipinagmamalaki.

'Mukhang wala pa atang nakakatalbog sa kagandahan ko.' naisip nya noong unang araw ng pasukan ng bigla nyang nakinig ang kabatch na si Anthony na nagsasabing,

"Pare, ang ganda nung newcomer sa Wisdom. Shet!"

Kumunot naman ang noo ni Candice nung narinig nya ito. Mas maganda sa kanya? Kelan mangyayari sa Perpetual Sorrow yun, naisip nya. Pero isinantabi na muna nya iyon at hinanap ang kanyang karelasyong hindi nya tinatawag na katipan. MU ang tawag nila dito at nag-aabang sya sa tapat ng gate ng kanilang paaralan.

Maya maya pa'y dumating na ang ka-MU. Tinawag ito ni Candice ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, tumingin lang ang binata at saka dumiretso sa sakayan ng dyip.

"Grabe girl, iniisnab ka na lang ngayon?"

Nag-init ang ulo ni Candice ng hindi sya pinansin ng ka-MU. Kaya nama'y agad agad nyang kinuha ang kaniyang cellphone at tinext ang lalaki.

'Hi babe. Sana masaya ka. Kasi ako masaya na ako sa kanya eh. Ingat )'

Sinend nya ito at ipinakita sa mga kaibigan. Nagtaka naman ang mga kaibigan at sabay sabay na nagtanong kung,

"Break kaagad?!"

"Sino naman ipapalit mo?"

Tumawa naman si Candice sa tanong nila.

'Di nyo pa ba ako kilala?' naisip nya

Mas lalong nagtaka ang mga kaibigan nya at para maliwanagan ang mga kaibigan, binuksang muli ni Candice ang cellphone at tumawag. Nakaabang lang ang mga kaklase sa sagot ng biglang,

"Oy asan ka?" tanong ni Candice sa kausap

"Ah ganun ba? Sayang naman."

Mas lalong nagtaka ang mga kaibigan sa ginagawa ni Candice.

"Nasisiraan na kaibigan natin." banat ng isa

Di ito pinansin ni Candice at nagpatuloy kausapin ang binata, "Aayain sana kita sa McDo e. Pero mukha namang busy ka kaya wag na lang."

Naliwanagan naman ang mga kaibigan. Inaasahan na nila ang kasunod at hindi naman sila nabigo tungkol dito.

"Talaga? Sige ba! Wait moko dun. Sama ko friends ko okay lang? Ok, bye."

Ngumiti si Candice at ayun na nga, naging mag-MU rin ang dalawa ngunit naghiwalay rin pagkatapos ng 2 linggo ngunit dahil marami syang pamalit, mayroon na naman syang ka-MU o para sa akin depinisyon ay 'kalandian'.

"Huy te!" sigaw ng isa nyang kaibigan

"Ano ba yun?" iritable nyang sagot

"Wala. Kanina ka pa nakatulala dyan e. Tara na nga, abangan mo pa yung labs mo."

"Labs? Sus, tingnan na lang natin kung tatagal."
Lumabas na sila ng paaralan at tumambay muna sa tapat ng kanilang gate. Nakipagkwentuhan rin si Candice sa kanyang mga kaibigan sa ibang section. Charity ang section ni Candice pero may mga kaibigan rin sya sa Wisdom at Humility.

Nang biglang lumabas ang ating bida na si Alexis, nagkatinginan ang dalawang dilag. Ngunit sa pagkakataong ito, mas napatagal ang titigan ng mga ito dahil malagkit ang titig ni Candice sa ating bida.

Nakipagkwentuhan rin si Alexis sa kanyang mga kaklase at iba rin sa mga kakwentuhan ay taga-ibang section. Maingay rin ang grupo nina Alexis kaya mas lalong nairita si Candice. Habang nakikipagkwentuhan ang dalawa, napapatingin sila sa isa't isa.

"Girl, ano nga bang section mo?" tanong nya sa kakwentuhan nya

"Wisdom. Bakit?"

Ngumiti naman ang dilag, "Anong pangalan nya?"

--

Kabanata Apat

Hulyo na ng mga panahong iyon at sa loob ng klase ng Wisdom f Penafort, ay may isang proyekto ang ipinagawa sa kanila ng guro nila sa asignaturang Matematika. Ito ay ang maggrupo-grupo at sagutan ang isang worksheet na ibibigay ng guro sa loob ng isang oras. Ang paggu-grupo ay bilangan sa klase kung kaya't swertehan na rin ang mapupuntahan mong grupo sapagkat ang iskor na mailalagay dito ay kasama sa isa nilang quiz. Nagbilangan na at dahil si Brian ang nasa kauna-unahan, siya ay nasa ikaunang grupo. Nagbilangan ng nagbilangan hanggang sa malaman nilang 1 din si Charles, Alexis at 4 pa nilang kaklase. Pinapunta sila sa sang sulok kung saan sila magkakasama at dahil ang iba ay magkakaibigan na, ay nagkwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang mga dating section.

"Alam mo, nami-miss ko na si Mars. Yung mga jokes nya e, noh? Tsaka yung kadaldalan nya." sabi ng isa

"Oo nga e. Dito kasi sa Wisdom, ang tahi-tahimik."

Nagtaka naman si Alexis kung sino si Mars kung kaya't siya ay nagsalita na, "Sino si Mars?"

Ngumiti naman ang dalawa, "Si Mars. Taga-Justice. Bakla un tas sobrang tatawa ka pag kasama mo yun."

"Oo nga. Tsaka laptrip kaya tunay na pangalan nun. Mariano." humalakhak ang dalawa at dahil sa halakhak ng dalawa, ay nahawa na rin ang buong grupo hanggang sa napansin na sila ng guro na masyadong maingay. Tumitig sa kanilang grupo ang guro nila at ng makaramam na sila nito, ay nagtapikan ang magkaka-grupo. Bale, ang natatanging hindi lamang nakitawa sa kanila ay si Brian na nakatungo lang simula ng sila ay magrupo-grupo.

Napatingin naman si ALexis sa kanya at bumulong sa kaibigan, "Ganyan ba talaga ka-tahimik yan?" tumuro sya kay Brian at tumango naman ang kaibigan nya


Natapos ang klase at ang grupo nina Aleis ang nakakua ng may pinaka-mataas na marka. Lumabas na sila ng klase sapagkat recess na nila ito. Habang naglalakad si Alexis ay may nakakita sa kanyang isang bakla na tinataasan siya ng kilay. Siya ay isa sa mga estudyante ng Justice at simula pa lamang noong una ay naiirita na siya kay Alexis. 

"Hey, Mars!" bati ng isa nyang kaibigan sa Wisdom

Ngumiti naman ang bakla at nakipagkwentuhan ng kaunti sa mga kaibigan. Nagkamustahan sila tulad ng mga ginagawa ng lahat dahil nga sa pagkasabik sa isa't isa at sa pagka-miss na rin nila. Nasa tapat sila ng pintuan ng kanilang klasrum at habang nagtatawanan ay nakisali na rin sa usapan ang isa pa nilang kaibigan na si Edward.

"Uy, babe. Anong next subject?" tanong naman ni Edward kay Mars

Nang-asar ang kaibigan nila na tila nangingiliti, "Ano ba, tumigil ka nga."

Tawa naman ng tawa ang kaibigan nya sa pagkakiri ni Mars, "Chemistry na next, babe."

Nagtawanan ang magkakaibigan. Isa na ito sa mga biruan nila. Matagal ng magkaibigan sina Edward at Mars at naalala ni Mars ang mga panahon kung kailan hindi ganoon ka-gwapo si Edward. Noong sila pa kasi ay nasa First Year, si Edward ay palaging nabubulas dahil sa kanyang katabaan. At isa na rin si Mars sa mga nang-aasar sa kanya. Ngunit simula ng matuto si Edward mag-basketball, unti-unti na syang pumayat at ng mag-Second Year sila, ay nagsimula na ring dumami ang mga nagkakandarapa sa kanyang itsura at porma. At isa na si Mars sa mga palihim na nagkakandarapa kay Edward.

Nagpatuloy ang kwentuhan hanggang sa napunta ang usapan sa mga bago sa kanilang paaralan, "Ang daming transferee sa Wisdom noh?" tanong ni Edward

Sumagot naman ang kaibigan nila sa Wisdom, "Ah, oo. 5 nga sila e. Dalwang lalaki tas tatlong babae."

"Ah, anong pangalan nung may kulay ang buhok?" masiglang tanong ni Edward na ikinataas naman ng kilay ni Mars

"You mean, yung matangos ang ilong na maputing taga-Wisdom? Ugh!" pag-iirap ni Mars

"Oo. Yun nga. Bakit parang nandidiri ka?"

"Wala. Mas maganda ako kesa dun, babe."

Nagtawanan naman ang dalawa habang si Mars naman ay pumupilit na ngumiti pero sa loob loob niya'y gusto nyang sugurin ang bagong lipat at kwestyunin kung bakit nya inaagaw si Edward.

"Alam ko naman yun, babe. Siyempre, ikaw ang pinakamaganda sa Perpetual Sorrow e." pag-akbay ni Edward

Kinilig si Mars sa ginawa ni Edward ngunit siya rin ay nalumbay ng tanggalin din agad ni Edward ang pagkakaakbay at binaling ang tingin sa kaibigan, "Ano nga pangalan nya?"

"Si Alexis. Bakit, ang ganda noh?"

"Oo. Soooooooooobrang ganda. Mukha siyang Americana. May lahi ba siya?"

"Ang pagkakaalam ko wala e. Gusto mo ipakilala kita?"

Napuno naman ng inis ang 

No comments:

Post a Comment