Cos I'm a very frustrated (as in nakaka-frustrate)
writer. Hahahahahha! I wrote this 3 years ago and everything that's written
here was just a mere product of my imagination. Its not yet done though but I hope that I could finish this, if something would motivate me. hehe
KABANATA ISA
Sa isang paaralan kung saan ito ay pinamumunuan
ng mga relihiyosong pari ay mag-aaral ang isang dilag na nagngangalang Alexis.
Siya ay nasa ikatlong taon na sa kanyang highschool at siya ay masaya sapagkat
bago siya sa kanyang paaralang lilipatan. Hindi si Alexis yung tipong lipat ng
lipat ng eskwelahan kada taon. Taon-taon syang lumilipat ng paaralan at ang
dahilan nito ay gusto na niyang ibaon sa limot.
Si Alexis ay nagmula sa maykayang pamilya pero
hindi nya ito masyadong ipinagmamayabang. Maputi sya, matangos ang ilong at matangkad,
sa madling salita, maganda. Pero kahit na maganda sya, hindi rin nya ito
ipinagmamayabang at palaging nananatiling simple sa paningin ng lahat. Hindi
rin naman sya yung pinakamagandang babae o isa sa mga sikat sa kanyang dating
paaralan. At siguro'y ito nga ang epekto ng kanyang pagiging simple.
Habang sila ay nag-eenroll sa kanyang magiging
bagong paaralan, halata sa mga mukha ng kanyang mga magulang na mas nasasabik
pa sila kaysa kay Alexis. Habang nagbabayad ang kanyang tatay, nakangiting
nakangiti sila sa mga babaeng nasa opisina ng bayaran. Habang nagsusukat na si
Alexis ng kanyang bagong uniporme, nakangiting halos parang natatawa ang
kanyang mga magulang sapagkat mahaba ang mga sleeves nito dahil ito nga ay
pinamumunuan ng mga madre. At habang ibinibigay ng mga babae ang mga libro para
sa Hunyo ay bigla syang kinalabit ng nanay ni Alexis at parang ito ang unang
pagkakataon ng nanay nyang makakita ng mga libro. Huminga ng malalim si Alexis
at inisip na,
'Kulang na lang magtatalon sila dun e. Gusto
nila sumigaw pa sila ng, HORAAAY!'
Matapos gawin ang mga dapat gawin para sa
kanyang enrolment, naglakad-lakad si Alexis at pinagmasdan ang kanyang magiging
bagong paaralan. Hindi gaanong malaki ang paaralan na kanyang nakikita kumpara
sa ekswelahan nya dati. May quadrangle sa gitna at sa paligid ng quadrangle ay
ang mga building na sa tingin nya ay ang mga klasrum sa elementarya at hayskul.
Simple lang ang school na yun at dahil na istrikto dito, naisip ni Alexis na,
'Siguro sobrang babait ng mga estudyante dito. Baka ako pa ang maging sobrang badass dito. Tsk!'
Huminga ng malalim si Alexis ng bigla syang
ayain ng kanyang nanay na silipin ang kanyang magiging silid aralan. Inakyat
nila ito hanggang sa ikaapat na palapag. Kung inyo ngang maitatanong ay ang
paaralan na iyon ay mayroong pitong palapag at ng marating na nila ang klasrum,
hinihingal kaagad si Alexis. Sinilip lang nila ang klasrum dahil ito ay
naka-lock. Ang klasrum ay kasing laki lang ng kanyang dating paaralan at ang
klasrum nya ngayon ay may platform para sa mga guro.
'Maayos rin naman pala ang klasrum nila a? Siguro maganda rin ang turo dito.'
Naisip nya. Bumaba na ang mag-ina ng tumawag sa
kanila ang tatay ni Alexis. Ayon sa kanyang itay, aalis na sila sapagkat tapos
na ang mga kailangang tapusin sa enrolment ni Alexis. Sumakay na si Alexis
habang naka-pokerface dahil sa nakakairitang kasabikan ng kanyag mga magulang
na dinaig pa sya pero sa loob nya, masaya sya. Humarurot na ang sasakyan nila
at habang nagmamaneho ang tatay ni Alexis, biglang sumingit ang isang traysikel
at muntik silang magkabanggaan.
*EEEEEKK!*
Tumigil bigla ang sasakyan nina Alexis habang
ang traysikel ay pumarada sa tapat ng paaralan. Nagmura ng malutong ang tatay
ni Alexis at binosinahan ng matagal ang traysikel habang nakakunot na nakakunot
ang kanyang noo. Nagbuntong hininga si Alexis sa inis.
'Ikaw na ang humarurot, kaw pa tong galit?' gusto nyang sabihin ngunit nagdesisyong wag na lang sabihin
Pero dahil sa bihasa na ang ama sa away
trapiko, pinaandar na lamang nya ang kotse at nagmaneho pabalik ng kanilang
condo.
Habang bumababa naman ang baklang si Charles,
ay inaalalayan nya ang kanyang lola na muntik atakihin sa puso dahil sa muntik
na banggaan.
"Grabe rin
naman talaga yan. Aatakihin ako sa puso jusmiyo!"naghihingalong
sabi ng lola ni Charles
"Eto naman 'la. OA ka. Huminga ka nga.
Buhay ka pa naman, wag kang advanced masyado. Mamaya kunin ka ni Lord ng wala
sa oras e. Kalurkey!"
Binatukan naman ni Lola si Charles gamit ang
kanyang wallet.
"Aw! Masakit yan lola ha? Joke lang. I love youu!"
"Di ko bayaran
ang tuition fee mo e." pananakot ng lola ni Charles
Kumamot naman ng ulo ang traysikel driver at ng
hindi na nya matiis ay,
"Eh ako ho ba, may balak kang bayaran?"
Nagulat naman sina Charles at lola nya at
biglang naghanap sa wallet nya.
"Oo nga, pasensya na ha? Eto oh." binayaran ni lola ang driver at ito ay umalis na
Nung umalis na ang driver, nakatitig lang ang
mag-lola sa palayong tricycle driver.
"Andun pa pala talaga kanina yun 'la?" tanong ni Charles
"Ewan ko ba. Hay, tara na nga."
Pumasok na sina Charles at lola nya pero di
tulad ni Alexis, matagal ng estudyante si Charles sa paaralan na iyon. Simula
prep pa ata ay nag-aaral na sya dun kaya bihasa na sya sa mga kastriktuhan at
kaartehan ng mga madre at ng apat na demonyo sa office. Ang apat na demonyo na
yon ay nga tao talaga, mga namamahala sa office at nagpaparusa sa mga makukulit
na bata. Hindi pa napapa-office si Charles pero marami syang kaibigan na
napunta na dun at ang sabi daw ay sisigawan ka at mumurahin. Kung minsan nga ay
napapagsabihan sya ng mga demonyo, ang ibig kong sabihin ay mga disciplinarian,
na bawasan ang kanyang kabaklaan na kanya namang ipinagtataka dahil alam na
naman siguro ng lahat na di napipigilan ang kabaklaan.
'Wala ako pake sa inyo. Mga inggitera!' ang
laging pagdadabog na nababanggit ni Charles sa utak nya sa tuwing hindi sya
naiintindihan ng mga "disciplinarian" at ng ilan nyang mga ka-eskwela
Nagbabayad na ang kanyang lola habang nakaupo
lang si Charles sa bench malapit sa bayaran ng biglang lumabo ang kanyang
salamin. Tinanggal nya ito at kanyang pinunasan gamit ang kanyang pang-itaas at
tsaka nya ito binalik. Pag lingon nya sa kanyang kaliwa, may nakita syang
mukhang kabatch rin nya. Maliit ang lalaking ito at mukhang tahimik. Naalala
tuloy bigla ni Charles ang kanyang dating hinahangaang si Marcus. Tahimik rin
si Marcus, sobrang tahimik na parang hindi mo sya mapagsasalita. Naalala ni
Charles kung pano sila magkulitan at kung gaano kaiba sya kausapin ni Marcus
kumpara sa iba. Malapit rin kasi sina Marcus at Charles. Sa katunayan nga ay
sina Charles lang ang kinakausap ni Marcus dahil nahihiya sya sa iba nyang mga
kaklase. Heartthrob si Marcus sapagkat bago sya noong isang taon at kapag bago
ka sa paaralang iyon, nasa iyo ang atensyon ng lahat. Maraming nagkakandarapa
kay Marcus pero dahil nga sya ay tahimik, wala syang naging nobya. Pero meron
din syang naging crush nun, si Candice. Nanlumo naman si Charles nung naisip
nya yun. Si Candice, ang gusto ni Marcus.
'Bakit ba kasi hindi na lang ako?'
Naisip nya. Pero hindi rin naman nya
maikakailang alam na rin nya ang sagot, dahil lalaki rin sya.
Tumayo na lang sya nung marinig nya ang tawag
mula sa kanyang lola para sila'y umalis na. Mukhang natapos na si Charles
ienroll ng kanyang lola kaya siya ay tumayo na sa kanyang upuan at umalis na.
Naiwan namang mag-isang nakaupo si Brian.
Sobrang tahimik ni Brian at konti lang sa mga kaibigan nya ang nakakakilala
kung ano talaga ang tunay nyang ugali. Maliit si Brian pero ngayong taon, medyo
tumangkad sya, salamat sa gatas. Kasama ni Brian mag-enroll ang kanyang kapatid
na nakababata at ang kanyang nanay. Naghalumbaba lang si Brian dahil siya ay
naiinip kaya ng wala na talaga syang magawa, nilabas nya ang kanyang iPhone 4s
at naglaro ng Temple Run. Nasa tapat sya ng office ngayon pero,
'Siguro naman pwede to. Di pa naman pasukan e.
Andyan naman pati sina mama.'
Naisip nya. At tama naman ang kanyang hinala,
hindi sya pinagalitan ng mga 'disciplinarians' sa office at pinabayaan na lang
syang maglaro. Habang sya ay naglalaro, tinabihan sya ng kanyang kapatid pero
imbis na sila ay magkulitan, tahimik lang ang dalawa habang sila ay naghihintay
sa kanilang inay na matapos sa pag-eenroll sa kanilang dalawa. Pinapunta sila
ng nanay ni Brian sa bookstore para kunin ang mga libro nila sa Hunyo at
pagkatapos nito ay umalis na sila. Habang sila ay nasa kanilang sasakyan,
hiniram ni Brian ang resibo mula sa kanyang inay.
"Ma, anong section ko?"
Lumingon naman ang nagmamaneho nyang inay
saglit at sumagot ng,
"Lahat naman ng mga late na nag-enroll ay nasa last section diba anak? Ano ba yung last section sa Third Year? Yung nasa dulo?"
Nag-isip si Brian at biglang natandaan ang
section na nasa pinakadulo sa Third Year.
"Ah, Wisdom."
Habang nanonood si Alexis ng kanyang paboritong
series na, Drake and Josh, bigla syang pinagpatayan ng telebisyon ng kanyang
kapatid.
"Hoy! Ano ba yan? Nanonood yung tao dito oh. Respeto naman please?"
Tinanggal ng kapatid ni Alexis and CD ng
pinapanood ni Alexis at pinalitan ito na tila walang naririnig.
"Mamaya na nga yan. Nanonood pa ako
e!"
Umupo sa tabi ni Alexis ang kuya nya sabay
ito'y kanyang yinakap.
"Omg, sister! Nakakatakot sila, bat sila nagpapatayan?" pagbabakla-baklaan ng kuya ni Alexis
Tumingin si Alexis sa kanilang TV sabay
hinampas ang kuya nito.
*hampas* "Eh wala pa ngang
ginagawa e!"
Tumawa naman ng malakas ang kuya ni Alexis na
parang wala ng bukas. Nakapagpalit na rin si Alexis ng kanyang pambahay at
naghihintay na lamang sya na dumating ang isa pa nyang kuya para sila ay
makakain na ng kanilang hapunan. Naiinis si Alexis sa kanyang nakatatandang
kapatid pero dahil nga wala syang magagawa, nakinood na lamang sya.
"Kumusta naman
enrolment mo kanina?" pangungumusta ng kapatid nya
Kwinento naman ni Alexis yung paaralan at kung
gaano lang kaliit ang magiging school nya. Kwinento rin nya na mahaba ang
sleeves ng uniform nya at may halong pagrereklamo rin dahil sasabayan ng
kahabaan ng sleeves nya sa init ng panahon. Pero hindi na kwinento ni Alexis
ang kairitahan nya sa mga magulang nya kani-kanina lang. Alam na rin naman nya
ang mangyayari at paulit-ulit na lang rin naman. Mukha namang nakikinig ang
kuya nito nung una pero nung kalaunan na ay, halata sa mukha ng kuya nya na
nakatitig na lang sya sa mga giyera at patayan na kanyang napapanood.
Tumayo saglit si Alexis para kumuha ng tubig at
uminom. Maya maya pa'y may kumatok sa kanilang pinto.
"Sino yan?"
"Pogi,"
Binuksan ni Alexis ang pinto at yun na nga ang
isa pa nyang kuya. Sumama ang kuya nya sa panonood ng pelikulang Blood Diamond
pala ang pamagat. Nakakaramdam na rin ng gutom si Alexis kaya tinawag na nya
ang kanyang mga magulang upang ipaalam na andun na ang kuya nila. Lumabas na
rin sila. Kumain sila ng sabay sabay pero kung gaano kalaki ang mga ngiti ng
kanyang mga magulang at mga kapatid, ganoon naman kaderetso ang mukha ni
Alexis.
"Nak, ano
problema natin? Ayaw mo ba sa bago mong school?" tanong
ng tatay nya
Katahimikan ang isinagot ni Alexis.
"Kung nabibigla
ka lang sa mga nangyayari, magsasabi ka lang nak ha? Wag kang
matatakot." dagdag ng kanyang inay
Tumango na lang si Alexis pero sa loob nya,
naiirita sya. Nanatili lang syang tumahimik hanggang sa nahawa na nya ang iba
sa pagiging tahimik. Tumayo na si Alexis at nilagay ang plato nya sa lababo.
Si Charles naman ay kumakain kasama ang kanyang
tatay, lola at nakababatang kapatid. Hindi nya kasama ang nanay nya ngayon
dahil nasa trabaho pa ito at habang kumakain, nagpatugtog ng kantang Kiss You
si Charles at kumanta.
Coz every time we touuuch
I get this kinda ruuush
Baby say Yeaaaahh
Yeaaahh, let me kiss you
Pagkanta ni Charles na hindi nya masyado
maisguro kung tama sya sa lyrics at kahit na rin sa tono. Kumunot naman ng noo
ang tatay nya at napakamot ng ulo. Dere-deretso lang ng pagkain habang tila
nagcoconcert sa hapag si Charles.
"Tumahimik ka
nga dyan. Ang ingay o. Bawas bawasan mo nga yang kabaklaan mo." inis
na inis na wika ng ama ni Charles
Humagalpak naman ng tawa si Charles pero dahil
napansin nyang naiinis na talaga ang tatay nya, pinatay na nya ang musika at
nagpatuloy na kumain. Kinamusta ng ama ang enrolment ni Charles pero imbis na
si Charles ang sumagot, ang lola nya ang nagreklamo sa tatay nya.
"Hay jusko!
Mamamatay ako kanina. Akalain mo ba naman, muntik kaming masagasaan sa
traysikel!"
Napatigil naman ang tatay ni Charles sa
pagkain. "Anong
nangyari?"
Kwinento ng lola ni Charles kung paano sila
muntik magkabanggaan ng isang magarbong sasakyan at kung paano sila
binosinahan. Hindi masyadong malinaw ang pagkakakwento ni Lola sapagkat masyado
na syang nabigla ng magkabosinahan pero ang alam nya, nagalit sya sa driver sa
pagbosina sa kanila.
Umikot naman ang mata ni Charles at sinabing, "Ano
ka ba 'la? Yung driver naman kasi natin e, sumingit. Akalain mo yun?
Nakakaloka!"
"Ewan ko sayo. Ah, basta. Galit na ako sa sasakyang yon."pagmamatigas ng matanda
"Galit sa sasakyan? Naku 'la, mahirap
yan. Wag kang magagalit sa bagay na walang kamalay malay!" pambabara
naman ni Charles
Tiningnan ng masama ni Lola ang apo at dahil sa
nanlilisik nyang mata, hindi napigilan ni Charles ang tumawa. Alam na nya ang
mangyayari kaya kumaripas na sya ng takbo.
"Hoy bata ka!
Bumalik ka dito di pa tapos yung pagkain mo!" sigaw
ng lola
"Ayoko! Hahampasin moko ng tinidor
mo."
"Osya. Hindi
na. Tara na nga bumalik ka na."
Bumalik na si Charles at nagpatuloy na silang
kumain.
Habang masayang kumakain naman si Charles, ang
ating isa pang karakter ay tahimik na kumakain sa kanilang tahanan. Nahulaan
nyo na ba kung sino ito? Tama! Si Brian. Wala sa bahay ang kanyang mga
magulang. Ang tatay nya ay nagtatrabaho sa malayo at ang nanay nya ay bumalik
na sa trabaho pagkatapos syang i-enroll. Ang kapatid naman nya ay tahimik ding
kumain at di tulad ni Alexis, hindi sya malapit sa kanyang mga kapatid. May tatlo
syang nakatatandang mga ate kaya sya ang nag-iisang lalaki sa bahay nila. May
dalawa rin silang yaya pero di rin sya malapit dito dahil sya ay
napakamahiyain. Habang kumakain ay walang nagsasalita. Walang kumikibo. Parang
kumakain ka lang mag-isa. Para kay Brian, di na bago to sapagkat araw araw ng
'scenario' ang katahimikan sa bahay nila. Lahat ng kanyang mga kapatid ay
mahiyain din pero ang weirdo nga lang dahil pati sa pamilya nila ay nahihiya
sila.
Natapos ng kumain si Brian kaya pumunta na sya
sa salas. Nanood sya ng TV at habang nanonood sya, saka dunating ang mga ate
nya. Sinamahan sya ng isa nyang ate na manood pero kumain ang dalawa ng
kanilang hapunan.
Nang biglang umulan ng malakas at maya maya pa
ay nandyan na rin ang malalakas na kulog at kidlat.
"Lakas ng ulan
bigla ah? Baka mawalan ka pa ng pasok sa 13, Brian."komento
ng ate nya
Sinagot ni Brian ang ate ng isang tango at maya
maya pa nga ay andyan na si Kuya Kim.
'Magandang gabi ng mga Kapamilya. Ang malakas
na ulan po ay dala ng low pressure area at ito ay mawawala sa Martes. May
posibilidad rin na mawalan ng pasok sa Lunes.' sambit ni Kuya Kim
Napanood rin ito ni Alexis sa bahay nila.
Napanood rin ito ni Charles sa bahay nila. Napanood nilang lahat ito.
--
KABANATA DALAWA
Hunyo 13. Ang unang araw ng klase para sa
paaralang pangalanan na nating, Our Lady of Perpetual Sorrow. Pumasok na sa
klasrum ng Humility si Marcus na tila medyo kinakabhan dahil wala sya masyadong
kilala dito. Buti na lamang ay palakaibigan ang mga kaklase nya at mukhang
mababait naman, kahit may pagka-makukulit. Kulog ng kulog pa rin ngayon pero
hindi nasuspindi ang klase nila. Dahil ikalawang taon na dito ni Marcus,
masasabi mo ng bihasa na siya sa kabagalan ng pagsususpindi ng klase ng
kanilang paaralan. Para kasi sa kanila, edukasyon ang pinakamahalaga at hindi
dapat sinususpende ang klase sa simpleng ulan lang. Ang problema nga lang ay,
ang simpleng ulan ay nakakapagdulot na ng baha sa lugar nila. Tumitig si Marcus
sa may bintana nila at napansing medyo tumitila na ang ulan, salamat sa Dyos.
Naisip tuloy ni Marcus kung paano na kaya
mamaya kung dumere-deretso pa ang ulan. Panigurado ay babaha na naman at
mababasa na naman sya ng ulan na kanyang kinaiinisan ng sobra. Ayaw kasi ni
Marcus na mababsa sya ng ulan dahil una, magkakasakit sya. Ikalawa,
magkakasakit sya. Isa ito sa mga bagay na di alam ng karamihan tungkol kay
Marcus. Di man sya masyadong nagsasalita, marami namang tumatakbo sa utak nya.
Mahiyain si Marcus pero ang nakakapagtaka sa kanya ay, hindi sya mahiyain sa
dati nyang pinapasukan. Magulo pa nga sya kung tutuusin. Bago lamang noong
isang taon si Marcus at siya ay lumipat dahil sa dahilang nais na nyang
kalimutan.
Nagpakilala na ang kanilang guro at dahil ito
nga ang unang araw ng pasukan,
"Humility!
Dahil first day ngayon at hindi ko pa kayo kilala, introduction muna tayo.
Start tayo dito sa first row."
Ito na marahil ang pinakakinaiinisang gawin ng
mga estudyante tuwung unang araw ng pasukan, ang 'introduce yourself'. Maraming
nagpalitan ng mga upuan lalong lalo na sa unang hanay pero sila ay nasaway
naman ng maaga ng kanilang guro. At hayun na nga, nagpakilala na ang mga nasa
unang hanay pero ang pinakanakakalibang na pagpapakilala ay galing sa ating
karakter na si Anthony.
"Hi. You can just call me Anthony. I'm
15, friendly, handsome,"
"WEEEEHH?" sabat
naman ng buong klase sa kanya
"Aminin nyo na okay? Matagal na kayong
naaakit sa kagwapuhan ko."banat naman ni Anthony na mas lalong kinaingay
ng klase
"Nasaan?!"
"Shhh, class
quiet. Patapusin na muna natin si handsome Anthony." biro
naman ng kanilang guro
"Thanks miss! So ayun nga, handsome ako
and I love One Direction."
Nagtawanan naman ang buong klase pati na rin
ang guro nila.
"So Directioner
ka rin pala?"
"Yes, miss."
"Ah,
ayos yan. Magkakasundo tayo. Gusto mo sisters na tayo?"
"Sure miss." sabay
kindat ni Anthony
Dahil sa tawanan ng klase, nawala ng bahagya
ang kaba ni Marcus. Makulit si Anthony at mukhang kinakausap nya ang lahat.
Palagi rin syang nakangiti na parang wala syang kahit na anong problema sa
mundo. Napaisip bigla si Marcus kung gaano kasaya ang buhay nya kung mawawala
ang kanyang pagkamahiyain. Kung mawawala na ang pagkamahiyaing hindi naman nya
talaga ugali.
Nagpatuloy ang pagpapakilala ng mga estudyante
sa Humility at bawat pagpapakilala ay may kasamang tawanan dahil makulit din
ang kanilang magiging nanay-nanayan sa kanilang pagiging Third Year.
Malapit ng tawagin ang ating isa pang karakter
na si Darla ng bigla syang kuhitin ng kanyang kaibigan.
"Uy Darla, si
Marcus o."
Tumuro ang kanyang kaibigan pero pinitik nya
kaagad ito, "Wag ka ngang turo ng turo dyan. At alam
kong andito sya, FYI."
"Sorry
naman." tumigil saglit ang kaibigan nya, "Aha! Kaya ka siguro nagpa-early enrolment no? Para makaklase
sya."
Ngumiti naman si Darla.
'Darla to no? Ano pa bang iniisip nyo?'
naisip nya
Simula pa kasi noong isang tao'y may gusto na
sya kay Marcus. Hindi nya ito maintindihan sapagkat hindi naman ito
nagsasalita. Hindi naman sya yung hinahanap nyang 'ligaya' sa isang lalaki.
Pero gustong gusto nya ito. Siguro nga ay dahil na rin sa sikat ito at may
pagkamisteryoso kaya nya ito nagustuhan, naisip nya. Kung minsan nga'y nalilito
sya kung totoo ba ang pagiging lalaki ni Marcus o hindi sapagkat sa dami ng
lalaking kanyang nakilala, siya ang pinaka-kakaiba. Ang mga galaw nyang
pang-akit sa iba ay iniiwasan lang ni Marcus at kung minsan pa nga'y linalayuan
pa. Tulad na lang nung hinawakan nya ang kamay nito noong sila'y nakaupo sa
platform noong isang taon. Kung sa ibang lalaki iyon, lalapit ito at yayakapin
o kaya nama'y liligawan pagkatapos noon. Kung minsan pa nga'y hahawakan sa
kanyang maseselang parte na kanya namang kinasisiyahan. Pero nagbago na sya, o
kaya nama'y sa tingin nya ay nagbago na sya. Ngunit pag kay Marcus, pinapabayaan
lang nya ito hanggang sa magsawa lang si Darla.
"Huy Darla ikaw
na!" sigaw ng kaibigan nya at napansin nyang
nakatingin sa kanya ang lahat
Tumayo sya at ngumiti, para makaiwas na rin sa
kahihiyan at sinimulan ang kanyang pagpapakilala.
"You can call me Darla. I'm 16 years old.
Friendly, sporty and loves music."
Paupo na sana si Darla ng bigla pa syang
tanungin ng kanilang guro.
"So Darla, what's your motto in life?"
Ngumiti si Darla at mabilis na sinagot ang,
"Just always go with the flooooooow."
Napangiti naman ang teacher nila at pagkatapos
noon, nakipag-usap si Darla sa mga katabi nito at mabilis ilang naging
magkakaibigan. Kasama sa mga nakahalubilo nya si Anthony na halatang halata ang
pagiging masigla. Akalain mo, unang araw palang ng klase, nakikipagharutan na
kaagad sya sa katabi nya. Pero para kay Anthony, normal na ang ganito. Hindi
siya mahilig mag-seryoso at kung may pagkakataong magse-seryoso man siya,
maikokonsidera mo na itong milagro sapagkat ito ay napakadalang na mangyari. Si
Anthony ay mahilig magpatawa at mahilig makipagkaibigan. At dahil nga mahilig
syang magpatawa, forte nya ang magpanggap na bakla para mapatawa nya ang klase.
At kung ano ang dahilan? Siguro ito na ay dahil mas madaling magpatawa ang
lalaki kung magbabakla-baklaan ito. Pagkatapos makipagharutan ni Anthony sa
kanyang katabi, nagpakilala naman si Marcus.
"Marcus. I'm 15." umupo
na si Marcus
Nag-abang naman ng kasunod na sasabihin ang mga
kaklase nya pero mukhang wala ng ibubuga itong ating karakter. Akalain mo nga
naman, sa lahat ng mga kaklase nyang nagpakilala, sya lang ang hindi nagbanggit
ng kanyang mga hilig o kung ano ang ugali nya. Dahil sa matagal na katahimikan,
bigla na lang natawa ang kanyang mga kaklase.
"Uhh, anong mga
hobbies or likes mo, Marcus?" sambit ng kanilang guro
Nag-isip naman si Marcus. 'Ano
bang masasabi ko sa mga to? Pake ba nila?' naisip nya nagbuntong
hininga sya sabay sinabing,
"Dota,"
Mukhang natuwa naman ang mga lalaki sa klasrum
na iyon at nakipag-apiran kay Marcus at ang pasimuno rito, syempre, ay si
Anthony.
"Ayos yan pre. Magkakasundo tayo
dyan!"
At dahil nga doon, nagkaroon ng mga kaibigan si
Marcus. At habang nagkakaroon ng "kasiyahan" sa section ng Humility,
dumako naman tayo sa section ng Wisdom na katatapos lang ipakilala lahat ng mga
estudyante. Anim ang mga bagong lipat sa section na yun at isa na nga doon si
Alexis. At dahil bago sya, nasa kanya ang atensyon ng lahat. Lahat ng mga
lalaki ay pinagtitinginan ang bagong nilang kaklase at may ilang naiinis na
kaagad dito kahit wala pa itong ginagawa. Marami ring nag-iisip na magiging
sikat ito sa Our Lady of Perpetual Sorrow dahil maganda ito at mukhang maarte.
Pero iba ang bida nating si Alexis at iyon ang hindi nila alam.
Sa unang araw, walang ginawa si Alexis kung hindi
ang ngumiti dahil gusto nyang magkaroon ng maraming kaibigan sa paaralang ito.
Natutuwa rin sya sa klase na iyon dahil makulit din ang kanilang magiging
tatay-tatayan.
"Oh ano ba yan, tapos na tayong mag-introduction. Ano pa bang gagawin natin? Tinatamad na ako e."
Tumahimik naman saglit ang klase ng maya maya
pa ay, "Sr, gawin na
lang nating lalaki si Charles!" sigaw ng isa nilang
kaklase
Nagtawanan naman ng malakas ang buong klase
pero imbis na sagutin ni Charles ang kaklase niya, ngumiti at nag-pout lamang
ito sapagkat siya ay nahihiya pa sa klaseng iyon.
'Humanda ka sakin next week. Pasabugin kita
dyang eklabu ka!' iniisip ni Charles
"O'pwede rin a!
Charles! Lalaki ka ba o hindi?!" pagmamatigas na boses
ng guro
Humagalpak naman sa kakatawa ang klase at isa
na rito si Alexis. Tumawa rin naman ng mahina si Charles sabay sumagot
ng, "Hindi."
"Magpapakalalaki
ka o hindi?!"
"Hindi," medyo
mas malakas na sagot ni Charles
"Pag hindi ka nagpakalalaki, ibabagsak kita. ANO?!"
Tila halos mamatay na ang mga kaklase nila sa
kakatawa pero nanatili lang na naka-pout ang ating karakter na medyo natatawa
na rin. Pagkatapos ng ilang minutong pangungulit ng kanilang guro, nakaisip ito
ng isang gawain para mas maging malapit sa isa't isa ang klase.
"Guys, group
yourselves into ten. Ngayon na."
Naghanap naman ng mga kagrupo ang ating mga
karakter. Magkakagrupo sina Brian at Charles pero hindi pa rin sila nag-uusap
dahil hindi pa naman sila magkakilala at kagrupo naman ni Alexis ang mga
kalapit nya ng upuan. Pinalapit ng guro ang anim na mga transferee sa unahan.
"So guys! Ang
bawat transferee ay iikot sa mga grupo at magpapakilala kayo isa isa
okay?"
"HA?" sabay
sabay naman na wika ng klase
Nagbuntong hininga naman ang guro, "Kunware, ang isang transferee, sa grupo dyan. Tas yung isa
dito. Bawat grupo, magpapakilala isa isa sa napatapat sa kanila tapos pag
nag-signal ako, lilipat naman sila sa kabilang grupo. Gets?" naiinis
na pagpapaliwanag ni Ser
"AHHH," sabay
sabay na wika na naman ng klase
"Ahh,"panggagaya
naman ng guro, "Ocge na. Start
na."
Unang napunta si Alexis sa grupo ng mga babae
na mukhang tahimik. Isa-isang nagpakilala ang mga babae kay Alexis ngunit
mukhang sila ay nahihiya dahil ang mga tulad ni Alexis, na maganda, ay tipo ng
mga sikat na alam nilang hindi sila kakaibiganin. Natapos ang pagpapakilala ng
mga tahimik na babae kaya lumipat naman si Alexis sa grupo ng mga sikat na
babae. Sabik na sabik ang mga ito na kausapin ito.
"Hi! Anong
pangalan mo?" tanong ng isa habang ito ay sobrang laki
ng ngiti
Nagsilapitan naman ang mga kaklase nito at
hinaplos ang kanyang buhok
"Alexis," sagot
naman niya habang sobrang laki ng ngiti
"Ang ganda mo!
Ganda rin ng buhok mo. Totoo ba yan?"
"Oo, kulay lang ang hindi. Haha!"
"Nako, bawal dito yan,"
Ngumiti na lang si Alexis at nung tiningnan nya
ang mga mukha ng kanyang mga kaklase, nakangiti pa rin ang mga ito at mukhang
walang humpay ang kanilang pagsigaw habang nagtatanong kay Alexis.
'Magiging sikat
to," iniisip ng mga nasa bilog na iyon na kung
tutuusin ay ganoon din ang iniisip ng lahat.
"Marunong kang mag-volleyball?"
Napatigil naman si Alexis. 'Volleyball?
Ayoko na no!' naisip nya
"Hindi e," pagsisinungaling
nya
"Aw, sayang.
Isasali ka sana namin sa intrams. Eh kahit anong sport. Badminton, table
tennis?"
Umiling si Alexis. Sumutsot ang kanilang guro
sapagkat masyado ng umiingay ang klase at pagkatapos ng ilang segundo,
pinalipat na si Alexis sa grupo ng mga maloloko at sikat na lalaki. Halata sa
mga mukha ng mga lalaki na natutuwa sila sa bago ilang kaklase. Nagpakilala
sila isa isa pero dahil sa ingay ng klase at bilis magsalita ng mga lalaki,
walang natandaang pangalan ni isa itong ating bida. Ngumiti na lang sya at
nagpakilala at ang isa nilang mukhang may sira sa ulo ay inuutusan nilang bigyan
ng "pick-up" line si Alexis. Nag-isip ng nag-isip ang mukhang may
sira sa ulo nilang kaklase ngunit wala talag itong maisip. Mental block
kumbaga. Wala ng masabi ang mga lalaki ng biglang tinulak ng isa sa bilog na
yun ang kaklase nilang mukhang may sira sa ulo kay Alexis pero sya ay umilag
kaya ang ginawa nya ay lumayo ito sa bago nilang kaklase. Pagkatapos nitong
lumayo, lumayo rin ang kasunod nya at pumunta sa platform kung saan nakatayo
ang iba pang mga lalaki hanggang sa wala ng katabi si Alexis. Natatawa lamang
ang dilag dahil nagmukha ng "one straight line" ang dapat na bilog.
Pinalipat na si Alexis sa tahimik na grupo ng
mga lalaki at nandoon na nga sina Brian at Charles. Nagpakilala ang mga iyon at
ang pinakatahimik ay ito ngang si Brian. Nakatingin lang sya sa sahig at nung
nagpakilala sya kay Alexis, sobrang hina ng kanyang boses. Sabi ng isa nyang
kaklase, tahimik lang daw talaga ito at medyo na-weirdohan ang ating bida. Si
Brian naman ay sobrang nahihiya sapagkat wala sya masyadong kaibigan sa klase
ng Wisdom. At ngayong ipinakikilala na itong si Alexis, mukhang naiinip na sya
dahil mas gusto na nyang umupo sa upuan nya at matulog. Pero kung sa ibang tao
mo itatanong, mukha lamang syang mahiyaing bata. Bata, dahil mukha syang bata.
Hindi na rin nya inisip na kilalanin si Alexis sapagkat nakasisiguro naman ito
na hindi nya magiging kaibigan ang ating bida.
'Magiging sikat rin naman yan. Di rin mamamansin
yan.' naisip nya
Pinakilala na rin si Charles at mukhang
natutuwa si Alexis sa kanya sapagkat bawat galaw lang nya ay natatawa na kaagad
ng malakas si Alexis. Bakit? Ito ay sapagkat sa unang tingin mo pa lamang sa
kanya ay malalaman mo na ang kanyang kasarian at konting galaw lang niya ay
matutukoy mo na kaagad na bakla siya. Pero dahil ito nga ang unang araw ng
klase, tila nahihiya pa itong si Charles sa bagong kaklase.
Natapos na ang pag-iikot at pinag-recess na ng
guro ang klase. Habang nasa canteen si Alexis ay pinagtitinginan ito ng mga
lalaki at maraming bumabati sa kanya para maging kaibigan ito. Tuwang tuwa
naman si Alexis na maraming palakaibigan dito sa Perpetual Sorrow. Dumaan sya
ng klasrum ng Humility at noong saktong pagdaan nya ay nakita siya ng ating
karakter na si Anthony habang kasama si Marcus.
"Pre! Sino yun? Ang ganda oh." sabik
na sabik na tanong ni Anthony
"Nasan?" tanong naman ni Marcus
"Ayun, ay wala na," sabi
ni Anthony ng mapansin nyang pumasok na sa CR ang dilag
"Bakit? Ano ba yun?" pagtaakang
tanong ni Marcus
"Wala. Ang ganda kasi,"
--
KABANATA
TATLO
Simula ng makita ng makulit na si Anthony si
Alexis, ay palagi na nya itong hinahanap. Kada recess ng klase ng Humility,
dumudungaw si Anthony sa Wisdom para lang masulyapan si Alexis. At palaging
nagrereklamo kay Marcus na,
"Bakit ba kasi kailangang iba iba pa ang
recess bawat section e. Daming alam nitong Perpetual Sorrow na to."
Iba iba kasi ang oras ng recess ng bawat
section sa Perpetual Sorrow. May 10 minutong agwat kada section para hindi
mapuno ang kantin. Maliit lamang kasi ang kantin sa ikapitong palapag at 20
minuto lang ang kanilang recess kaya't naisip ng eskwelahan na baka hindi
makakain ang mga estudyante ng ayos kung ganito ang sitwasyon. Pero hindi ito
maintindihan ni Anthony dahil nga, sabik na sabik syang makita si Alexis.
Palagi nyang kasma sa pagdungaw ang mga kaibigan nya, kasama na si Marcus at
dahil nga tahimik itong si Marcus, hindi na lang ito nagsasalita. Wala nga
itong pakialam, sa totoo lang dahil ang mas iniisip nya ay si Candice.
Halos dalawang linggo rin ang pagsulyap ni
Anthony kay Alexis sa malayo ngunit hindi nya ito magawang lapitan sapagkat
siya ay isang torpe. Nakakagulat ba ang aking rebelasyon? Sino nga ba naman ang
mag-aakalang torpe pala ang makulit na si Anthony? Pero sa maniwala kayo at sa
hindi, ang aking sinabi ay totoo. Ito naman ang ipinagtaka ni Marcus sapagkat
sa pagkakaalam nya, palakaibigan itong si Anthony at kinakausap nya ang lahat.
'Bakit yung Alexis na yun di nya magawang
kausapin? Nababakla na naman ata to o.' naisip nya
At dahil nga sa animo'y katorpehan ni Anthony,
dalawang linggo lang syang pasulyap-sulyap, patingin-tingin at abang ng abang
kung kailan sila magkakakilala.
"Alam mo ang
hina mo pare. Kaklase ko kaya si Alexis. Kakwentuhan ko pa nga minsan e." sabi
naman ng kaibigan ni Anthony habang sila ay naglalakad papuntang klasrum nila
Napatigil naman sa paglalakad si Anthony at
dahan dahang lumingon sa kaibigan, "K-k-kakwentuhan? Close
na kayo?!" madiin nyang tanong
Kumunot naman ang kilay ng kaibigan na tila
nawi-wierduhan sa tanong ni Anthony, "O-oo.
Mabait naman yun e. Friendly rin naman pati."
"Bat di mo naman sinabi pare?"
"Bakit,
nagtanong ka ba?"
Gusto nang banatan ni Anthony ang kaibigan
ngunit huminga muna sya ng malalim at tsaka sinabing,
"Umm, pare alam mo, sa lahat ng mga
kaibigan ko," sabay akbay sa kaibigan, "ikaw
ang pinakamahal ko."
Umikot naman ang mata ng kaibigan at
sinabing, "Tumigil ka na
nga dyan. Kakausapin ka naman siguro nun."
Sa sinabi ng kanyang kaibigan na friendly itong
si Alexis, nabuhayan ng loob si Anthony. Ngumiti sya at namula. 'Di na siguro
nakakahiya to.' naisip ni Anthony ng biglang nakita nya si Marcus na inunahan
na ang dalawa papunta sa klasrum ng Humility na tila naiinip na sa 'kalandian'
ng kaibigang si Anthony. Napakamot naman si Anthony nung pumasok na si Marcus
sa klasrum at sinabing,
"Loko talaga tong hayop na to. Di na
naman nagsalita. Tsk!" pumasok na rin sya at nagsimula ng muli
ang klase ng Humility
Habang nagkaklase naman ang Humility, bumalik
na sa klasrum ng Wisdom ang kaibigan ni Anthony. Doon ay nakita nya si Alexis
na kasama ang ilan nyang mga nakaibigan. Itatanong na sana ng kaibigan kung
pwede si Alexis ngunit may isa syang planong gusto nyang gawin.
Lunch na noon at katatapos lang magklase ng
guro sa Wisdom. Umakyat sina Alexis kanyang mga kaibigan sa kantin para kumain
at ang kaibigan ni Anthony, na kasama rin sa pagkain ni Alexis, ay napapangiti
sa kanyang plano. Ang oras ng tanghalian ng Humility at Wisdom ay may kalapitan
kumpara sa recess kaya napapangisi siya lalo na nung nakita nya si Anthony.
Umupo na ang magkakaklase at napatingin si
Anthony sa kaibigan. Nagsensyasan sila gamit ang kanilang mga mata at dahil sa
senyasang iyon, tila kinabhan ang ating karakter na si Anthony. Kumunot naman
ang noo ni Marcus nung nakita nya si Anthony na nagpapaka-weirdo na naman.
"Anong ginagawa mo?" tanong
ni Marcus
"Shet, pare!"
"Ano yun? Inlab ka na dun sa kaibigan mong
payat?"
Kinindatan naman ni Anthony si Marcus na tila
nang-aasar pero walang reaksyon si Marcus at ipinagpatuloy ang patapos na nyang
pagkain. Natawa naman si Anthony kay Marcus, "Pre,
ipapakilala na daw ako kay Alexis," nasasabik na sabi ni
Anthony
Tila wala namang pakialam ang ating bida kaya
tumayo lang sya, kinuha ang pinggan at ibinalik sa mga tagabenta ng pagkain sa
kantin. Pagkatapos noon ay bumaba na sya hanggang sa sumama na rin ang ilan
nilang kasamahan.
"Pambihira talaga yun o," nasambit
na lang ni Anthony
Napakamot na lang si Anthony ng hindi nya
namalayang nasa likod na pala nya si Alexis. Kinuhit ng kaibigan si Anthony at
paglingon ni Anthony, nakaharap na sa kanya si Alexis at mukhang hindi pa tapos
kumain.
"Alexis,
Anthony nga pala." sabi ng kaibigan na tawa lang ng tawa
Tiningnan naman ni Anthony si Alexis ng kanyang
killer smile pero habang ipinakikilala ng kaibigan si Anthony, tila
nakikipag-showdown itong ating bida sa payat na lalaki sa kakatawa. Ngumiti
naman sa kanya si Alexis pero tawa pa rin sya ng tawa. Ang hindi alam ni
Anthony, binuko na sya ng kaibigan at sinabihan sya na,
"Patay na patay
sa'yo yan, Alexis. Wag ka, Directioner rin yan magkakasundo kayo, pramis!"
Umalis na sina Anthony dahil malapit na ang
kanilang kasunod na teacher at ang mga natirang kaibigan ni Alexis ay sabay
sabay na nag,
"YIIIIEE!
Anthony ka pala ha?" habang natatawa-tawa
Malakas ang tawanan at tuksuhan ng magkakaklase
at dahil dito, nainis ang mga grupo ng mga sikat at ito na nga ang ating
karakter na si Candice. Ang grupo ni Candice ay nasa kabilang lamesa lamang at
halos lahat sila ay nakatingin kay Alexis.
"Ano ba yang
mga yan, papansin lang te? Porke sikat na sya ngayon a?"
sambit ng isang kaibigan ni Candice
Nanatili namang nakatitig si Candice kay Alexis
at pinagmasdan ang mukha nito. "Hindi naman talaga sya
maganda e. Bat ba ang daming nagkakagusto dyan?"
Nagsi-oo nga maman ang mga kasama hanggang sa
mapansin na ni Alexis na nakatingin sa kanya ang grupo ni Candice.
Nagkatinginan ang dalawang dilag at habang nagkatinginan ay,
'Sino kaya sya? Ganda naman nya,' naisip
ni Alexis
Habang si Candice naman ay, 'Sama
makatingin nito a? Problema mo?'
"Grabe girl!
Nakakainis na talaga sya. Hate at first sight ata to."panggagalaiti
ng kaibigan
Sang-ayon naman dito si Candice, "Di
ko nga alam kung bat maraming nagkakagusto dyan e."
"Girl akalain
mo daw, mas maganda daw sya sayo. Mygod!"
Nagulat naman dito si Candice at kumunot ang
noo.
'Mas maganda pala ha?' naisip
ni Candice
Uwian na sa Our Lady of Perpetual Sorrow at isa
ng normal na tawain na nakakalat ang mga estudyante sa koridor tuwing uwian.
Lumabas na si Candice kasama ang mga kaibigan at sa kanyang paglabas ay may
nakita syang dalawang batang babae na nakatayo sa harap ng kaibigan nya.
"Ate, pwede
pong pa-autograph?" sabi ng batang babae
Kinuha naman ng kaibigan ni Candice ang notbuk
ng batang babae at saka ito ay pinirmahan. Umalis ang dalawang babae at
nagpasalamat ng may malaking ngiti sa kanilang mga mukha.
"Mukhang dumadami ata fans natin a?"
bati ni Candice
"Ganyan
talaga,"
Nagtawanan naman ang iba. Kung normal na sa
Perpetual Sorrow na magkalatan ang mga estudyante sa koridor, maikokonsidera mo
na ring normal ang pagpapa-autograph sa grupo ni Candice. Maraming likes sa
Facebook ang magkakaibigan at nakakaabot pa ang kanilang kasikatan sa labas ng
Maynila. Internet famous daw ang tawag sa kanila at kung minsan nga ay may
bigla bigla na lang lalapit kay Candice at sasabihing,
"Miss, anong
number mo?"
Sa mga ganitong pagkakataon, ang linya ni
Candice ay,
"Kinagwapo mo na yan kuya?"
Pero nangyayari lamang yon kapag sa labas mo
ito gagawin. Pero naniniwala naman si Candice na hindi sya masamang tao. Ayaw
lamang nya na siya ay minamaliit ng ibang tao at kadalasan nga nama'y
nakikipagkaibigan sya sa kanyang mga kabatch.
Ang kasikatan ni Candice ay isa sa kanyang mga
ipinagmamalaki.
'Mukhang wala pa atang nakakatalbog sa
kagandahan ko.' naisip nya noong unang araw ng pasukan ng bigla nyang nakinig
ang kabatch na si Anthony na nagsasabing,
"Pare, ang ganda nung newcomer sa Wisdom. Shet!"
Kumunot naman ang noo ni Candice nung narinig
nya ito. Mas maganda sa kanya? Kelan mangyayari sa Perpetual Sorrow yun, naisip
nya. Pero isinantabi na muna nya iyon at hinanap ang kanyang karelasyong hindi
nya tinatawag na katipan. MU ang tawag nila dito at nag-aabang sya sa tapat ng
gate ng kanilang paaralan.
Maya maya pa'y dumating na ang ka-MU. Tinawag
ito ni Candice ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, tumingin lang ang binata
at saka dumiretso sa sakayan ng dyip.
"Grabe girl,
iniisnab ka na lang ngayon?"
Nag-init ang ulo ni Candice ng hindi sya
pinansin ng ka-MU. Kaya nama'y agad agad nyang kinuha ang kaniyang cellphone at
tinext ang lalaki.
'Hi babe. Sana masaya ka. Kasi ako masaya na ako
sa kanya eh. Ingat
'

Sinend nya ito at ipinakita sa mga kaibigan.
Nagtaka naman ang mga kaibigan at sabay sabay na nagtanong kung,
"Break kaagad?!"
"Sino naman ipapalit mo?"
"Sino naman ipapalit mo?"
Tumawa naman si Candice sa tanong nila.
'Di nyo pa ba ako kilala?' naisip
nya
Mas lalong nagtaka ang mga kaibigan nya at para
maliwanagan ang mga kaibigan, binuksang muli ni Candice ang cellphone at
tumawag. Nakaabang lang ang mga kaklase sa sagot ng biglang,
"Oy asan ka?" tanong
ni Candice sa kausap
"Ah ganun ba? Sayang
naman."
Mas lalong nagtaka ang mga kaibigan sa ginagawa
ni Candice.
"Nasisiraan na
kaibigan natin." banat ng isa
Di ito pinansin ni Candice at nagpatuloy
kausapin ang binata, "Aayain sana kita sa McDo e. Pero mukha
namang busy ka kaya wag na lang."
Naliwanagan naman ang mga kaibigan. Inaasahan
na nila ang kasunod at hindi naman sila nabigo tungkol dito.
"Talaga? Sige ba! Wait moko dun. Sama ko friends
ko okay lang? Ok, bye."
Ngumiti si Candice at ayun na nga, naging
mag-MU rin ang dalawa ngunit naghiwalay rin pagkatapos ng 2 linggo ngunit dahil
marami syang pamalit, mayroon na naman syang ka-MU o para sa akin depinisyon ay
'kalandian'.
"Huy te!" sigaw
ng isa nyang kaibigan
"Ano ba yun?" iritable
nyang sagot
"Wala. Kanina
ka pa nakatulala dyan e. Tara na nga, abangan mo pa yung labs mo."
"Labs? Sus, tingnan na lang natin kung
tatagal."
Lumabas na sila ng paaralan at tumambay muna sa
tapat ng kanilang gate. Nakipagkwentuhan rin si Candice sa kanyang mga kaibigan
sa ibang section. Charity ang section ni Candice pero may mga kaibigan rin sya
sa Wisdom at Humility.
Nang biglang lumabas ang ating bida na si
Alexis, nagkatinginan ang dalawang dilag. Ngunit sa pagkakataong ito, mas
napatagal ang titigan ng mga ito dahil malagkit ang titig ni Candice sa ating
bida.
Nakipagkwentuhan rin si Alexis sa kanyang mga
kaklase at iba rin sa mga kakwentuhan ay taga-ibang section. Maingay rin ang
grupo nina Alexis kaya mas lalong nairita si Candice. Habang nakikipagkwentuhan
ang dalawa, napapatingin sila sa isa't isa.
"Girl, ano nga bang section mo?" tanong
nya sa kakwentuhan nya
"Wisdom. Bakit?"
Ngumiti naman ang dilag, "Anong
pangalan nya?"
--
Kabanata Apat
Hulyo na ng mga panahong iyon at sa loob ng klase ng Wisdom f Penafort, ay may isang proyekto ang ipinagawa sa kanila ng guro nila sa asignaturang Matematika. Ito ay ang maggrupo-grupo at sagutan ang isang worksheet na ibibigay ng guro sa loob ng isang oras. Ang paggu-grupo ay bilangan sa klase kung kaya't swertehan na rin ang mapupuntahan mong grupo sapagkat ang iskor na mailalagay dito ay kasama sa isa nilang quiz. Nagbilangan na at dahil si Brian ang nasa kauna-unahan, siya ay nasa ikaunang grupo. Nagbilangan ng nagbilangan hanggang sa malaman nilang 1 din si Charles, Alexis at 4 pa nilang kaklase. Pinapunta sila sa sang sulok kung saan sila magkakasama at dahil ang iba ay magkakaibigan na, ay nagkwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang mga dating section.
"Alam mo, nami-miss ko na si Mars. Yung mga jokes nya e, noh? Tsaka yung kadaldalan nya." sabi ng isa
"Oo nga e. Dito kasi sa Wisdom, ang tahi-tahimik."
Nagtaka naman si Alexis kung sino si Mars kung kaya't siya ay nagsalita na, "Sino si Mars?"
Ngumiti naman ang dalawa, "Si Mars. Taga-Justice. Bakla un tas sobrang tatawa ka pag kasama mo yun."
"Oo nga. Tsaka laptrip kaya tunay na pangalan nun. Mariano." humalakhak ang dalawa at dahil sa halakhak ng dalawa, ay nahawa na rin ang buong grupo hanggang sa napansin na sila ng guro na masyadong maingay. Tumitig sa kanilang grupo ang guro nila at ng makaramam na sila nito, ay nagtapikan ang magkaka-grupo. Bale, ang natatanging hindi lamang nakitawa sa kanila ay si Brian na nakatungo lang simula ng sila ay magrupo-grupo.
Napatingin naman si ALexis sa kanya at bumulong sa kaibigan, "Ganyan ba talaga ka-tahimik yan?" tumuro sya kay Brian at tumango naman ang kaibigan nya
Natapos ang klase at ang grupo nina Aleis ang nakakua ng may pinaka-mataas na marka. Lumabas na sila ng klase sapagkat recess na nila ito. Habang naglalakad si Alexis ay may nakakita sa kanyang isang bakla na tinataasan siya ng kilay. Siya ay isa sa mga estudyante ng Justice at simula pa lamang noong una ay naiirita na siya kay Alexis.
"Hey, Mars!" bati ng isa nyang kaibigan sa Wisdom
Ngumiti naman ang bakla at nakipagkwentuhan ng kaunti sa mga kaibigan. Nagkamustahan sila tulad ng mga ginagawa ng lahat dahil nga sa pagkasabik sa isa't isa at sa pagka-miss na rin nila. Nasa tapat sila ng pintuan ng kanilang klasrum at habang nagtatawanan ay nakisali na rin sa usapan ang isa pa nilang kaibigan na si Edward.
"Uy, babe. Anong next subject?" tanong naman ni Edward kay Mars
Nang-asar ang kaibigan nila na tila nangingiliti, "Ano ba, tumigil ka nga."
Tawa naman ng tawa ang kaibigan nya sa pagkakiri ni Mars, "Chemistry na next, babe."
Nagtawanan ang magkakaibigan. Isa na ito sa mga biruan nila. Matagal ng magkaibigan sina Edward at Mars at naalala ni Mars ang mga panahon kung kailan hindi ganoon ka-gwapo si Edward. Noong sila pa kasi ay nasa First Year, si Edward ay palaging nabubulas dahil sa kanyang katabaan. At isa na rin si Mars sa mga nang-aasar sa kanya. Ngunit simula ng matuto si Edward mag-basketball, unti-unti na syang pumayat at ng mag-Second Year sila, ay nagsimula na ring dumami ang mga nagkakandarapa sa kanyang itsura at porma. At isa na si Mars sa mga palihim na nagkakandarapa kay Edward.
Nagpatuloy ang kwentuhan hanggang sa napunta ang usapan sa mga bago sa kanilang paaralan, "Ang daming transferee sa Wisdom noh?" tanong ni Edward
Sumagot naman ang kaibigan nila sa Wisdom, "Ah, oo. 5 nga sila e. Dalwang lalaki tas tatlong babae."
"Ah, anong pangalan nung may kulay ang buhok?" masiglang tanong ni Edward na ikinataas naman ng kilay ni Mars
"You mean, yung matangos ang ilong na maputing taga-Wisdom? Ugh!" pag-iirap ni Mars
"Oo. Yun nga. Bakit parang nandidiri ka?"
"Wala. Mas maganda ako kesa dun, babe."
Nagtawanan naman ang dalawa habang si Mars naman ay pumupilit na ngumiti pero sa loob loob niya'y gusto nyang sugurin ang bagong lipat at kwestyunin kung bakit nya inaagaw si Edward.
"Alam ko naman yun, babe. Siyempre, ikaw ang pinakamaganda sa Perpetual Sorrow e." pag-akbay ni Edward
Kinilig si Mars sa ginawa ni Edward ngunit siya rin ay nalumbay ng tanggalin din agad ni Edward ang pagkakaakbay at binaling ang tingin sa kaibigan, "Ano nga pangalan nya?"
"Si Alexis. Bakit, ang ganda noh?"
"Oo. Soooooooooobrang ganda. Mukha siyang Americana. May lahi ba siya?"
"Ang pagkakaalam ko wala e. Gusto mo ipakilala kita?"
Napuno naman ng inis ang
No comments:
Post a Comment